^

Pang Movies

EA nag-all out kay Joross!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
EA nag-all out kay Joross!

Edgar Allan Guzman

Excited na si Joross Gamboa na sumakay sa float para sa entry nila sa 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December 23, ang Deadma Walking.

Hindi raw iyon ang first time na sasakay siya sa float.

“But this time po, iba, dahil kami ni EA (Edgar Allan Guzman) ang bida rito at sasakay kami sa float na nakadamit babae,” kuwento ni Joross. “Kaya kami pong dalawa ni EA, gagawin namin ang lahat para mai-promote namin ang movie, dahil hindi po namin ito ikahihiya, much as hindi ko ikinahiya na gumanap na isang beshie. Story po kasi ito ng dalawang magkaibigan at kung paano sila sumuporta at naging loyal sa isa’t isa.”

Nagkaroon na sila ng celebrity screening at dinaluhan ito ng mga kaibigan sa industry, gaya nina Paolo Ballesteros, EA’s My Korean Jagiya co-star, Korean actor Alexander Lee, sina Angel Locsin at boyfriend-producer na si Neil Arce. Biniro namin si Joross nang ipakita ang full trailer ng movie na ang daming nag-cameo role sa kanila.

“Labis nga po ang pasasalamat ko sa lahat na pumayag mabraso ko para mag-cameo role, sabi ko sa kanila, dati kami ang sumusuporta sa kanila ngayon naman kami ang suportahan nila. Overwhelmed nga kami ni EA nang i-set ni Direk Julius Alfonso ang taping at sunud-sunod silang dumating at naghintay ng kanilang turn na mai-shoot.  Ilan sa kanila sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Iza Calzado, Eugene Domingo, even sina Direk Joel Lamangan at Direk Marlon Rivera, nag-cameo role sila.  Inabot yata ng more than 20 artists ang nag-guest, ginawa nilang mamahalin ang movie dahil sa libreng pagpayag nilang mag-guest.”

Ano ang pagkakaiba ng Deadma Walking sa Die Beautiful at hindi ba sila nagalit na ikinu-compare sila sa solo movie ni Paolo Ballesteros?

Ayon kay Direk Julius, maliban sa beki at kabaong, comedy ang movie nila at drama naman ang Die Beautiful. Ang pagkukumparahan sa kanila ay ang pagiging award-winning movie. Saka parehong mahuhusay ang mga artista nila. Sa palagay ba ni Direk Julius mananalo sila ng best actor awards?  Dream daw niya na kung pareho silang nominated, magta-tie sina Joross at EA dahil “they are not the first choice (dahil may iba silang kinunsidera sa roles pero may conflict sa schedule ng shooting), but they are the final choice and they are the best choice.”

Kung nahirapan si Joross na timplahin ang pagiging beki niya sa Deadma Walking, hindi naman nahirapan si Edgar Allan dahil all out ang pagka-beki niya rito.

“Hindi naman po na dahil all-out, may love scene, hindi po ganun,” sabi ni EA. “All out na ibinigay ko nang lahat, magpapatawa ako, magpapaka-emotional ako.  Aaliwin ko ang mga tao.  Para sa akin, dito ko binigay lahat, physical, baklang-bakla ako talaga.”

Tuwang-tuwa si EA nang malamang sila ni Joross ang bida sa movie. Hindi niya nalilimutan na bago pa siya nanalo bilang Mr. Pogi sa Eat Bulaga, magkakilala na sila at naging back-up dancer siya ni Joross sa mga show nito sa ABS-CBN.  At nanatili ang friendship nila kaya hindi sila nahirapang magsuportahan sa isa’t isa sa paggawa ng movie.  When asked kung paano kung maglaban sila sa best actor award sa Gabi ng Parangal ng MMFF, wala raw problema, kung sino ang manalo, para na ring nanalo ang isa pa.

Produced by T-Rex Productions, Inc. at OctoArts Films, mapapanood na ang movie na binigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB) at Parental Guidance (PG) naman mula sa MTRCB simula sa December 25 in cinemas nationwide.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with