^

Pang Movies

Santambak na Kapamilya artist nagbigay-saya sa Just Love concert

YSTAR - Baby E - Pang-masa

John Lloyd at Ellen hindi nagparamdam

Grabe, Salve A., close to five hours din yata ang itinagal ng Just Love Christmas presentation ng ABS-CBN, na ginanap sa Araneta Coliseum noong Tuesday. But in fairness, walang dull moment sa nasabing event. Smooth, joyful, at ang gandang panoorin ng mga production number. Ang galing ng direksiyon at production design.

Hindi, kumbaga, garapal ang ginawang promo para sa dalawang entry ng Star Cinema at Viva Films, ang Ang Panday at The Revenger Squad.

But of course, may numbers din sina Coco Martin, bida ng Ang Panday at Vice Ganda, bida naman sa Gandarrapiddo! The Revenger Squad.

Lahat halos ng contract talents ng Kapamilya ay nan­dun. Kaya, pansin ng manonood kung sino ang absent.

Prominently missed, of course, ay sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

No show din si Luis Manzano, bagama’t, together with some sexy others, naroroon si Jessy Mendiola.

Well, congratulations to all those behind the show. Feel naming mga nanood ng live sa Araneta Coliseum ang just love na gusto n’yong ipadama sa amin ngayong Pasko.

Para mabuntis, Yeng pahinga muna sa pagpapakulay ng buhok

Matupad na kaya ang wish ni Heart Evangelista na mabigyan ng anak ang kanyang Senator-husband na si Chiz Escudero sa 2018?

Well, it’s the same wish shared by Yeng Cons­tantino. Ang mabigyan na rin ng panganay ang asawang si Yan Asuncion na kanyang pinakasalan noong 2015.

In any case, ito raw ang dahilan kung bakit ayaw na muna ni Yeng na magpakulay ng buhok. Common knowledge kasi na naging trademark na niya ang pagpapakulay. Napag-alaman daw kasi ni Yeng na masama sa buntis ang nagpapatina ng buhok.

Right now, the couple are abroad for a series of concerts na pangungunahan ni Yeng.

Gerald pagod na sa pagtatago ng relasyon kay Bea

For the first time, makakatrabaho ni former Miss World Megan Young ang boyfriend na si Mikael Daez sa isang series. Excited pareho sina Megan at Mikael sa nasabing project at pinaghahandaan na nila ito.

Ayaw daw nilang mapahiya sa management ng GMA 7 sa magandang pagkakataong ibinigay nito sa kanila.

Equally as excited si Bea Alonzo na makakatrabaho naman sa unang pagkakataon ang former big boss ng ABS-CBN, si Charo Santos-Concio.

The two of them will be working on a highly suspense cum horror independent movie, Eerie, which Mikhail Red will direct.

Eerie can be a possible entry in any international films competition. Na lalong nakakapagpa-excite sa kanya, ani Bea.

Of Bea, tiyak na magiging extra busy year para sa kanya ang 2018. As we all know, nakatakda siyang gumawa ng pelikula kasama si Aga Muhlach. Kukunan din sa Canada ang said movie.

May naka-schedule rin siyang pelikula na gagawin for Star Cinema. May pamagat na Kasal, ito ang magsisilbing comeback film ni Derek Ramsey bilang Kapamilya.

Also in the film is Paulo Avelino.

No need to ask Bea about her love life. Hindi na nila inililihim ni Gerald Anderson na may romansang kasalukuyang namamagitan sa kanila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with