^

Pang Movies

Joross nambraso para suportahan nina Piolo!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Joross nambraso para suportahan nina Piolo!

Joross Gamboa

Hindi isang gay movie ang Deadma Walking. Noong una, iyon ang akala nila dahil ang characters na ginampanan ng mga bidang sina Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa ay parehong bakla. Pero bagama’t ganoon nga ang chararter, malayo naman doon ang takbo ng kuwento.

Ang kuwento ay tungkol sa isang tao, na ginampanan ni Joross, na gustong hindi lamang paghandaan kung di maranasan habang buhay pa siya kung ano ang kanyang magiging burol, after all alam naman niyang malapit na rin siyang mamatay dahil sa sakit na cancer.

Naisipan nilang gumawa ng isang mock up wake sa kanilang bahay, kung saan pinaniwala nila ang lahat na namatay na nga si Joross at siyang nakaburol. Nagdatingan ang kanyang mga kaibigang makikipag-lamay, nagkaroon pa ng necrological service, at lahat nang iyon ay sinaksihan niya, habang siya ay nakatago sa damit na pang babae.

Nalaman niya kung ano ang nasa loob ng mga kaibigan niya tungkol sa kanya, at ang pinakamatindi, nagsabi ang lalaking minahal niya ng “I love you”.

Hindi pa namin napapanood pero mukhang masaya ang mga eksenang iyon dahil napakaraming mga artista ang nag-guest ng libre dahil mga kaibigan nga nila, at hiningan nila ng suporta para sa kanilang pelikula.

Ang kuwento nga ni Joross, talaga raw kinausap nila ang kanilang mga kaibigan, na noong araw ay sinuportahan naman nila sa pelikula at sa telebisyon, na nga­yon naman ay kailangan nila ang suporta ng mga iyon. Pumayag namang lahat, kabilang na sina Piolo Pascual, Eugene Domingo, Gerald Anderson at napakarami pang iba.

Ang pelikula ay Graded A ng Cinema Evaluation Board, kaya siguradong maganda, at panahon na naman siguro na bigyan ng pagkakataon ang mga bagong nagbibida sa pelikula.

Bong may ultimate christmas wish

Ilang araw na lang Pasko na naman at kagaya ng dati, naroroon ang kahilingan ni Bong Revilla na sana ay payagan na siyang makapaglagak ng piyansa para makasama naman niya ang kanyang pamilya. Sa tatlong senador na inakusahan ng pareho ring kaso, si Bong na lang ang nananatiling nasa detention center ng PNP.

Nauna nang pinalabas si Senador Juan Ponce Enrile dahil sa humanitarian reasons, si Jinggoy naman ay napayagan dahil hindi naman daw ganoon kalakas ang mga ebidensiya laban sa kanya, pero si Bong, sa kabila nga ng paulit-ulit na paghingi ng kanyang karapatang makapag-lagak ng piyansa ay hindi pa rin makalabas.

Sinasabi ni Bong na gusto niyang makasama ang kanyang pamilya. Gusto na rin daw niyang balikan ang kanyang pagiging artista dahil nami-miss na rin niya ang pelikula. Kung mangyayari iyan, malaking tulong iyon sa industriya dahil hindi natin maikakaila na si Bong ay isa sa pinakamalaking box office star natin.

Mga sinehan sa Saudi pinayagan na uling magbukas

May masayang balita. Papayagan na uling magbukas ang mga sinehan sa Kingdom of Saudi Arabia, na ipinasara simula noong 1980 dahil sa paniwala ng mga lider ng Islam na iyon ay nakapagbibigay ng magandang halimbawa.  iberalisasyon ngayon sa Saudi, pinayagan na ulit ang mga sine, Makagagawa na sila ulit ng pelikula para sa publiko, na ikinatuwa naman ng nagsusulong ng kultura.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with