^

Pang Movies

Jericho nilinaw ang pag-ayaw kay Jennylyn

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jericho nilinaw ang pag-ayaw kay Jennylyn

Jennylyn Mercado

Nilinaw ni Jericho Rosales kahapon sa presscon ng Siargao ang tungkol sa pagba-back out niya sa pelikulang Almost Is Not Enough na dapat sana’y reunion movie nila ni Jennylyn Mercado pagkatapos ng Walang Forever.

Ang nasabing pelikula ay All of You na ngayon at pinalitan nga si Echo ni Derek Ramsay.

Ang Siargao at All of You ay parehong official entry to Metro Manila Film Festival na magbubukas ngayong Disyembre 25.

Ang tsika nga, mas pinili raw kasi ni Echo ang Siargao over All of You.

Paglilinaw ni Echo, hindi raw niya pinili ang Siargao.

“Hindi ako namili sa dalawa. I respectfully, politely declined with a proper message to the production, and to Jennylyn, direk Dan and Atty (Joji Alonzo, one of the producers), I personally apologized.

“I’m not fit to work on the story, on the project and I hope that I can get to work with them again next time,” pahayag ni Echo.

Aminado naman siyang nag-commit siya to work with them pero nagkataon naman na that time ay hindi siya fit to work.

“I wasn’t fit to work on that film nang time na ‘yun. Napakalalim ko, napakabigat ng dinadala ko nang time na ‘yun and I needed to digest the entire…kung baga ‘yung pangyayari sa buhay ko,” patuloy pa ni Echo.

Paglilinaw pa niya, when the offer for Siargao came, at first ay hindi naman daw plano na isali ito sa MMFF.

Nagkataon lang na si Paul (Soriano, the director of Siargao), nagkaroon lang ng opening, nagkaroon ng chance, we finished filming and he said ‘why not?’, nilagay niya and then a couple of weeks later, nakuha na namin ‘yung news na ‘hey, part tayo ng MMFF’ so I’m really, really happy, but siyempre ako, ‘hey wait, I had to make sure that everything’s okay’,” saad pa ng aktor.

Hindi man sabihin, obvious na ang tinutukoy ni Echo na mabigat na pinagdadaanan that time ay ang pagkamatay ng kanyang ama at up to now ayon sa aktor, everyday ay nami-miss pa rin daw niya ito at parating naiisip.

“Everyday, I miss my father. Everyday, I miss him, I think about him. Meron akong kotse na legacy niya, ‘yung jeep ko na hindi ko nile-let go. Everytime na magta-travel ako nang naka-motor, every beautiful things I see, every part of me, everything about me, nare-realize ko na I got it from my father, so I’m okay, I’m okay.

“I understand better now why I’m like this – because of my father and my mother. Pero I’m healing, I’m healing. It’s gonna be the first Christmas na wala siya, first New Year. It’s gonna be hard. Pero kaya namin,” nakangiti pero seryosong sabi ni Echo.

Sa Siargao ay leading lady naman ni Echo si Erich Gonzales at ayon sa aktor, sobrang excited na raw sila lalo pa nga’t positibo ang mga reviews na natatanggap nila.

Kasama rin sa movie si Jasmine Curtis na super payat na ngayon.

Derek at Jennylyn puro pagbati ang natanggap

Pinalakpakan ng entertainment press at iba pang nanood ang special screening ng All Of You na ginanap sa Director’s Club ng SM Mega Fashion Mall last Tuesday at puro pagbati ang natanggap ng direktor na si Dan Villegas, producer na si Atty. Joji Alonzo at mga bidang sina Jen at Derek.

Lahat ay nagre-rave sa husay na ipinamalas ng dalawang bida sa pagganap sa kani-kanilang role bilang Gabbi (Jen) at Gab (Derek) na nagkakila sa pamamagitan ng dating app.

Tinatalakay ng All of You ang mga stages na pinagdadaanan ng isang magkarelasyon from day 1 na magkakilala hanggang magkagustuhan and eventually ay mag-live in.

Lahat ng eksena at mga dialogues nina Jen and Derek ay sobrang makatotohanan that you would actually feel how the characters feel.

Ipinakita sa pelikula kung gaano kasaya ang isang magdyowa at the start of the relationship na normal namang nangyayari talaga in real life. Na sa simula siyempre ay panay ang sex kaya naman sandamakmak ang love scenes nina Jen at Derek.

Hanggang later on, andiyan na ‘yung stage na makikita na nila ang kanilang differences. Nandiyan na ang mga away-away, sigawan, murahan na normal na pinagdadaanan ng bawat magkarelasyon. Walang boring na eksena, sa totoo lang. Walang tapon. Even the simplest scenes nina Jen at Derek were so realistically done. Tulad na lamang ng eksenang ayaw ni Gabbi (Jen) ng amoy ng sigarilyo sa bahay, eh nagyoyosi si Gab (Derek), so pinag-aawayan nila ‘yun na totoo namang nangyayari sa mga magkarelasyon.

Ang dami nilang confrontation scenes and each time, napakahusay nila pareho. Ngayon pa lang ay marami na naman ang humuhula na baka maulit na naman tagumpay nila sa English Only Please noong MMFF 2014 kung saan ay silang dalawa ang hinirang na Best Actor and Best Actress sa MMFF Awards night.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with