^

Pang Movies

Aicelle natsa-challenge sa movie ni Ate Guy

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Aicelle natsa-challenge sa movie ni Ate Guy

Aicelle Santos

Magpapakitang gilas muli sa musical theater ang Kapuso singer na si Aicelle Santos dahil bibida siya sa Himala: Isang Musikal ng The Sandbox Collective na mapapanood sa February 2018.

Proud si Aicelle na maging bahagi ng Himala musical na base sa cinematic masterpiece nina Ricky Lee at Ishmael Bernal sa pelikula ni Nora Aunor. Ang Himala musical play ni ay pangungunahan sa music ni Vincent De Jesus, orchestration ni Jed Balsama, at sa libro pa rin Ricky Lee.

Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Aicelle at itinuturing ng singer na isang malaking hamon at karangalan ang maging bahagi ng ipalalabas na masterpiece. Excited at napi-pressure siya dahil ang movie ni Ate Guy ang kanyang gagawing musical.

Patutunayan muli ng Traffic Diva ang husay nito sa teatro na marami nang karanasan pagdating sa musical play kung saan ang huli ay sa matagumpay na Rak of Aegis at Maynila sa mga Kuko ng Liwanag.

Bago ang Himala musical ay mapapanood muna si Aicelle sa Ang Larawan na isang musical movie na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Dec. 25 sa mga sinehan.

Proud si Aicelle na maging part ng pelikula dahil nakatrabaho niya ang mga itinuturing niyang idols pagdating sa kantahan tulad ni Joanne Ampil.

Wala nang hihilingin pa si Aicelle na doble ang suwerte dahil happy siya sa kanyang personal na buhay kasama ang GMA reporter-BF na si Mark Zambrano at successful na career bilang TV/theater actress.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with