^

Pang Movies

Aktor na tuod, tapos na ang ilusyong sumikat

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

“Guwapo nga sana siya eh, kaya lang talagang tuod na tuod,” ang sabi ng isang television director tungkol sa isang aktor na umaasa pang sisikat siya. Noon sinisisi niya ang isang network na iginagawa raw siya ng mga project na hindi naman bagay sa kanya. Ngayon, lumalabas na wala naman pala talagang babagay sa kanya dahil hindi siya nakakaarte.

May mga nagsasabi nga tuloy na baka sa bold movies na lang ang pag-asa niya dahil doon ay hindi kailangan ang ac­ting, kaso makakalusot pa ba nga­yon ang mga pelikulang bold? Wala na rin namang kumpanya na nagsisimula ngayon ng mga ganoong klase ng pelikula, dahil ang kalaban nga nila ay mga indie na mas matindi ang ipinakikitang sex dahil hindi naman kilala ang mga artista.

Sharon kailangan sina Gabby at Goma!

Mukhang happy na talaga sila sa naging resulta ng pelikula nina Sharon Cuneta at Ro­bin Padilla. Kung sabagay, masasabi na ngang rason ‘yun ng celebration lalo na’t kung iisipin na ang comeback movie ni Sharon ay dalawang araw lang ang itinagal sa mga sinehan, at iyong pelikula naman ni Robin ay hindi rin naging isang malaking hit recently. Ibig sabihin, masasabi ngang may magic pa rin ang tambalan nila, pero hindi natin masusukat kung gaano rin kalaki ang contribution ng fans nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa pag-hit ng kanilang pelikula.

Ang question ngayon, ano pa nga kaya ang susunod na ga­gawin nila para masa­bing na­ibalik na ang kanilang med­yo natulog na career?

Sa parte ni Sharon ay muk­hang madali lang naman. Napatunayan niyang ma­­aari siyang gumawa ng isang pelikulang kikita basta ok ang kanyang support. Dapat kalimutan na nila iyong ideya na kahit na sino pa iyan, basta si Sharon ok. Iba na ang panahon ngayon.

Maski ang mga kritiko ay nagsasabi, na sigu­rong sure fire formula na kasunod niyan ay project kasama sino man kina Gabby Concepcion o Ri­chard Gomez. Sinabi naman ni Gabby noon na ang problema lamang niya ay ang kanyang sche­dule, at maaa­ring sa 2018 ay makagawa na nga siya ng pelikula. Kung ‘yan ang mangyayari, maganda nga sigu­rong sugalan ngayon ang project.

Ang movie with Richard ay mukhang malabo pa, dahil mas­yadong busy si Mayor sa Ormoc, kung saan sunud-sunod talaga ang kanyang mga proyekto. Mukhang tototohanin din niya ang kanyang sinasabi na sa kanyang unang term ay hindi siya tatanggap ng anumang tra­baho at magko-concentrate siya sa pagiging mayor.

Abangan natin ang susunod na mangyayari.

Indie movie puwedeng ipalit sa mga Koreanovela

Ang laging sinisisi ng indie filmmakers na hindi nagbibigay sa kanila ng pagkakataon ay ang mga sinehan. Pero hindi lang naman mga sinehan ang outlet, mukhang may nakakalimutan sila, ang telebisyon. Bakit hindi rin nila ilapit sa telebisyon ang kanilang mga ginagawang indie?

Bakit hindi nila tinatanong ang mga TV network kung bakit ayaw silang bigyan ng pagkakataon kaysa naman sa ang inilalabas ay ang mga teleseryeng Koreano, Mexicano, o iba pa? Actually mas masakit iyan dahil mawawalan ng trabaho ang mga artista, writers, director at iba pang manggagawa, maliban sa dubbers na nabubuhay lang sa mga foreign teleserye.

Huwag lang naman sigurong kagaya noong isang indie na inilabas ng isang cable channel, na gabi nagsimula, tirik na ang araw hindi pa tapos. Iyong ganoon talaga ang walang pag-asa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with