^

Pang Movies

Ex ni Kiray nagsalita sa ‘panggagamit’

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ex ni Kiray nagsalita sa �panggagamit�

Kirst Viray

Itinanggi ng model turned actor na si Kirst Viray na ginamit lang niya si Kiray para magkapangalan sa showbiz. Na-link kasi ang dalawa early this year at ang tsika nga ay nagde-date sila.

“’Yun ‘yung mali ko, hindi ko sinasagot (ang issue),” simula ni Kirst nang makapanayam namin recently. “Kasi nung nag-trending kami, hindi ako nagpa-interview. Lahat kasi, gusto nila akong tanungin, never akong nagpa-interview.”

Paliwanag pa niya, baka raw kasi mas lalong isipin ng tao na nangga­gamit siya kapag nagpa-interview pa siya regar­ding the issue.

Pero sa tingin ba niya ay nakatulong kahit paano sa kanya ang pagkaka-link nila ni Kiray?

“Siyempre, aminin naman natin na nakatulong talaga. Mas nagkaroon ng recall ang name ko. Well, sa modeling talaga, kilala naman ako as a model, pero as an artist, hindi naman talaga ako. . .” he said.

Sa ngayon ay good friends pa rin naman daw sila ni Kiray at wala naman daw naging ilangan sa kanila ngayon matapos silang ma-link.

Sobrang malambing, mabait, at cute raw si Kiray. At hindi naman daw imposible na magustuhan niya ang dalaga. Pero sa ngayon daw talaga ay single siya dahil galing siya sa isang five-year relationship at hindi pa raw siya ready na pumasok ulit sa isang relasyon.

“’Yung break-up namin, sobrang sakit talaga, sobrang worst talaga, so ang hirap kong maka-move on,” sabi ni Kirst.

Five years nang commercial model si Kirst at ngayon ay tuluyan na nga niyang pinasok ang pag-aartista. First project niya ang indie film na pinagsamahan nila ni Kiray at dito nga niya nakilala ang young actress.

After that ay na-cast siya sa Mulawin at naging maikli lang daw ang role niya roon. Good thing, nagkaroon siya agad ng offer for La Luna Sangre and up to now ay patuloy pa rin siyang napapanood sa serye bilang isang bampira.

Natutuwa si Kirst at humahaba naman ang pananatili niya sa LLS at hindi pa siya pina­patay sa story. Ngayon nga raw ay may pangalan na siya sa kwento samantalang dati ay wala.

Yul tatlong beses nagmakaawa kay Direk Maryo bago sumabak sa pulitika

Twenty years ago nang unang madiskubre ni direk Maryo J. delos Reyes si Yul Servo and at that time ay nag-aaral pa raw and taking up Crimino­logy si Yul at nang i-introduce raw ito sa kanya, mukha pa raw itong daga.

Sinabihan raw niya itong magpa­laki ng katawan at pinag-workshop and pinag-trai­ning niya ito. Hanggang sa nagkaroon nga ito ng big break noong 2001 sa pama­ma­gitan ng Batang West Side at dito na nga siya nagsimulang makilala agad bilang ma­ga­ling na aktor dahil first movie pa lang ay nanalo na agad siyang Best Actor at nasundan pa nang nasundan ng mga sumunod na taon.

Kuwento pa ni direk Maryo, si Yul ang first ta­lent niya sa Production 56 na ngayon ay malaki na at kabilang sa mga talents niya sina Ruru Madrid, Nash Aguas, Migz Cuaderno, Neil Ryan Sese, Barbara Miguel, Leandro Baldemor, Orlando Sol, Xyruz Cruz, Ashley Cruz, Mr. Gay World John Raspado, at Trio Tagapayo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with