^

Pang Movies

Ilang tulog na lang...Pasko na!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Ilang araw na lang ang bibilangin sa ating mga daliri at Pasko na! Merry Christmas sa lahat, kahit anong nationality, sekta o relihiyon ka pa nag-ugat.

Iisa lang ang Diyos na nagmamahal sa ating lahat, na hindi tayo iiwanan kahit na tayo’y makasalanan, may problema man o wala, dahil siya ang Diyos na mapagpatawad. There is only one God, God Almighty, God the healer, God the savior, the loving God Jesus Christ! Happy Birthday baby Jesus!

Goin’ Bulilit naghahanap ng bagong batang pasisikatin

Nakakaiyak pala kapag nakakita ka ng mga batang magaganda at magagalang. Sila ang future big stars na papalit sa mga sikat na artista ngayon gaya nina John Lloyd Cruz, Angelica Panganiban, Jericho Rosales, Maja Salvador, at iba pang mga artista ng ABS-CBN. Huwag nang magtaka kung bakit walang napasamang pangalan kung hindi pawang Kapamilya stars lang. E, kasi ang mga munting bituin ay ang mga bida ng weekly show na Goin’ Bulilit. Labingtatlong taon nang napapanood sa ere tuwing Linggo ang bagets show na idea ni Direk Bobot Mortiz.

Sila ang stars of tomorrow, na inihahanda para humalili sa mga sikat na artista ng Kapamilya Network. Siyempre sa ayaw at gusto nila, tatanda, at e-exit sila sa limelight.

Ang natatandaan kong bata na una kong nakilala ay si Nash Aguas dahil kahit saan ako makita ay tinatawag niya ako at bumabati sa akin, like sa MRT, nagulat ako at hindi ko nakilala kung hindi pa niya sinabing siya si Nash. Every Saturday din ang kanilang taping at mayroon silang sinusunod na oras dahil alam nila ni Direk Bobot at ng Executive Producer na si Nomie Meraña ang patakaran ng DOLE sa mga menor de edad na nagtatrabaho.

Sabi ni Nomie (na former EP for 10 years ng Iskul Bukol), ang mga bagets na gustong mapasali sa Goin’ Bulilit ay pwedeng mag-apply for audition, walang palakasan dito basta makapasa sa mga requirement.

Ayaw ni Direk Bobot ng mga related sa mga artista. Mas priority niya ‘yung walang showbiz connections para raw matulungan at mabigyan ng chance ang ibang kabataan lalo’t may potential.

Wala kang itulak kabigin, sa ganda ng mga mukha, mga talented, marespeto, at lahat ay nag-aaral na siyang priority ni Direk Bobot at EP Nomie.

Randy nakakasabay kahit sa makabagong musika!

Walang kupas sa entertainment lalo na sa kantahan, mapa-old music o modern music man ang babaero sa lahat ng panahon na si Randy Santiago. Isipin ba namin na natyempuhan siya sa birthday ni Engineer Rolly Policarpio na isinabay sa Christmas party ng mga tauhan niya sa kanyang pabolosong constructions company. Of course ay katuwang niya ang kanyang napakagandang maybahay na si Janine Hipolito sa mga bisita, kabilang na ang PMPC members na ginanap sa Golden Bay Restaurant sa Pasay City.

Nagulat kami dahil ang nag-iisang entertainer ay si Randy at wow! Ang galing-galing as in walang pa ring kupas mag-perform. Napapasabay kami sa kanya then nagulat din siya nang malaman na andoon din ang PMPC sa pangunguna ng pangulo na si Fernan de Guzman.

Sa tuwa ni Randy ay nagbabad siya sa table ng PMPC members na ka-friendship na niya simula noong mga bata pa sila ng kanyang mga kapatid na sina Rowell at Raymart.

Mabuhay ka Randy! Merry Christmas din sa Santiago family. God bless!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with