^

Pang Movies

JC na-starstruck kina Vic at Dawn

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
JC na-starstruck kina Vic at Dawn

JC Santos

Naninibago raw ang Kapamilya actor na si JC Santos dahil nakagawa siya ng isang wholesome family movie na kasama sa official entries ng 2017 Metro Manila Film Festival na Meant To Beh.

Mas kilala kasi si JC sa mundo ng indie films kung saan nagkaroon siya ng kissing scene sa kapwa niya lalake sa Esprit de Corp.

Kabilang sa mga indie films na nagawa niya ay ang Sakaling Hindi Makarating, The Janitor, Nabubulok, Hinabing Pakpak Ng Ating Mga Anak, Lady Fish, Paglipay, Imbisibol at 100 Tula Para Kay Stella.

Kaya medyo nanibago raw si JC nang gumawa siya ng isang pampamilyang pelikula kung saan gumaganap siya bilang isa sa tatlong anak nila Vic Sotto at Dawn Zulueta.

“For the first time, magkakaroon ako ng movie na pang-General Patronage.

“Most of my films kasi ay Parental Guidance ang rating or for adults dahil sa nilalaman ng istorya. Pero itong Meant To Beh, very wholesome and it’s nice to do a movie like this once in a while. Pambalanse lang sa pagiging artista natin,” ngiti pa ni JC.

Sobrang na-starstruck daw si JC sa presence nila Vic at Dawn habang nagsu-shooting sila.

 “Parang hindi ako makapaniwala na nangyari ito. Ilang beses kong tinatanong ang sarili ko ng ‘is this for real?’ Tapos heto ipapalabas na kami sa MMFF.

“Isa pang kinatutuwa ko, first movie ko ito sa MMFF kaya super excited ako. Noon napapanood ko lang na sumasakay ang mga artista sa mga float, ngayon magagawa ko na rin iyon,” natatawang pagtapos pa ni JC Santos.

Clique5 ibinagay sa Pasko ang single

Tamang-tama ang release na single ng bagong boyband na Clique5 dahil eksakto ito sa holiday season. May titulo na Tuwing Pasko ang kanilang single na sinulat ni Joven Tan.

May dalawa pang singles ang naturang boyband na Bakit Hindi at Puwede Ba, Teka Muna.

Dumaan sa matinding voice lessons ang Clique5 na binubuo nila Karl, Josh, Clay, Sean at Marco Polo bago sila pinag-recording. Mina-manage sila ng 3:16 Events and Talent Management Company. Nasa plano na raw ang isang album na ipo-produce ng Ivory Records.

Wish ng grupo na maging successful sila dahil marami na raw boybands ang napapanood ngayon sa TV tulad ng Hashtags ng ABS-CBN 2 at ng One Up sa GMA 7.

Maraming Hollywood stars apektado ng wildfire sa Cali

Dahil sa matinding wildfire na nagaganap ngayon sa Southern California, apektado ang maraming residents at mga negosyo sa naturang lugar, kabilang na rito ang make-up company ni Kylie Jenner na Kylie Cosmetics.

Pina-shut down muna ni Kylie ang opisina at factory ng Kylie Cosmetics para ma-assure ang safety ng kanyang mga empleyado.

Higit na 170,000 acres na ang nasira ng matinding wildfire na kung tawagin nila ay The Thomas Fire. Ang pinakaapektado ay ang mga nakatira sa Santa Barbara at Ventura counties.

May 8,500 firefighters na raw ang nagtutulung-tulong na maapula ang anim na wildfires sa Southern California.

Kabilang sa mga celebrities na may bahay sa mga naturang counties ay sina Drew Barrymore, Rob Lowe, Jeff Bridges at Patrick Stewart.

Nag-pledge na si Justin Bieber ng kanyang tulong sa mga biktima ng wildfire.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with