^

Pang Movies

Jona may hangover pa sa duet nila ni Pres. Duterte

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Jona may hangover pa sa duet nila ni Pres. Duterte

President Rodrigo Duterte at Jona

Wow naman itong si Jona na isa sa pinakahinahangaang Birit Queen ng ASAP at Star Magic.

Star na star siya nang kantahin ang Ikaw, with no less than President Rodrigo Duterte sa katatapos na 84th anniversary celebration of DOLE (Department of Labor and Employment), na ginanap sa Capitol Gymnasium sa Malolos, Bulacan.

Ang Ikaw pala ang paboritong kanta ni President Digong. Hindi nga raw inasahan ni Jona, ayon sa kanyang Instagram post na makaka-duet niya ang presidente.

If you recall, iyon din ang kanta na inawit niya kasama ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales sa katatapos na ASEAN event, which we organized and was attended by several key leaders sa buong mundo, kabilang na si President Donald Trump ng Amerika.

By the way, we asked Jona how she will spend Christmas this year, since sa buong taon, naging napakaganda ng takbo ng kanyang singing career.

Sinabi ni Jona na hindi ganun ka-eventful ang kanilang Christmas ngayon kumpara noon. A few months ago nga naman kasi, binawian ng buhay ang kanyang ama.

They will surely miss him, ani pa niya.

Inah hindi pa naihaharap si Jake kay John Estrada

Speaking of dads, did we hear it right na hanggang ngayon ay hindi pa naipakikilala ni Inah de Belen sa kanyang amang si John Estrada ang boyfriend na si Jake Vargas?

Naku, Inah, ‘pag nagkataon, issue na naman ito between you and your dad. Di nga ba ‘t balitang nagtampo si John nang piliin mong gamitin ang surname ng iyong ina na si Janice de Belen para sa iyong screen name?

By the way, na-resolve n’yo na ba itong mag-ama?

Sa totoo lang, gumanda lalo si Inah lately. Halatang nakuha niya ang magagandang features ng kanyang ama’t ina. And this was never more than more evident than in her recent appearance in the series, Road Trip, with Glaiza de Castro among others.

Matagal nang hiwalay sina John at Janice. Kasal na si John ngayon sa dating beauty queen na si Priscilla Meirelles.

May isa silang anak na babae.

With Janice, bukod kay Inah, may tatlo pa silang anak ni John, dalawang babae at ang bunsong lalaki.

John guilty sa kasong kinasasangkutan

Speaking of John, ano na kaya ang ‘mister­yosong’ nakabalot sa kanyang katauhan bilang lawyer-brother ni Albert Martinez, na kahit patay na ang character na ginagampanan ay siyang puno’t dulo ng kwento ng well-followed series na The Good Son?

He seems to be not ‘guilty’. O baka naman guilty siya?

Sa totoo lang, kung performance ang pag-uusapan, hindi pahuhuli si John sa mga beteranong performers na kasama niya sa The Good Son, sina Mylene Dizon, Liza Lorena at Eula Valdez.

E, agaw pansin na rin, kung umarte si Jeric Raval. Not to say ang bagong ‘pasok’ na si Alex Medina. Plus, of course, si Kathleen Hermosa, na gumaganap na aping-aping misis ni Dado (Jeric).

Ang gagaling, lalo na, nina Joshua Garcia, Je­rome Ponce, Nash Aguas at McCoy de Leon, who all play their talents to the hilt in performing their roles.

Alexa Ilacad, Elisse Joson at Yloisa Andalio are three pretty and young faces to watch this co­ming year in local showbiz.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with