^

Pang Movies

Heart wala nang time magpahinga bago magbuntis!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Heart wala nang time magpahinga  bago magbuntis!

Heart Evangelista

Parang walang time na magpahinga si Heart Evangelista dahil naghahanda na raw nga­yon ang Kapuso actress para sa isa na namang major painting exhibit.

In fact, ayon sa isang malapit kay Heart, may mga natapos na raw na painting ang Kapuso actress na iniipon niya talaga para nga sa pinaplanong major painting exhibit.

Parang kailan lang nang aminin ni Heart na sobra ang nerbiyos na nararamdaman niya sa kanyang unang painting exhibit.

Matatandaang taong 2014 nang magdaos si Heart ng kanyang kauna-unahang solo exhibit sa Ayala Museum. Nasundan pa ito noong 2015 sa Galerie Joaquin naman in San Juan. Pawang sold-out ang mga naturang art exhibit ng aktres.

Pero major achievement na tinuturing niya ang Love Marie exhibit sa Chan Hampe Halleries sa Singapore.

“When I came out with my first exhibit, I was extremely nervous. I didn’t want them to see me. I wanted them to see my soul. This is what makes my paintings more interesting. The realness of my life. And they loved it,” ang sabi ni Heart noon sa isang interview.

Ngayon ay hindi lang sa canvass siya nagpipinta kundi maging sa mga Hermes bags at mga gown na gawa ni Mark Bumgarner.

Sa kanyang ipinagawang dream house ay inilabas din ni Heart ang pagiging artist dahil ideya niya lahat ang designs ng buong bahay pati na ang interior nito at mga kasangkapang inilagay.

Sa pakonti-konting pagpo-post ni Heart sa kanyang Instagram ng kanyang bagong bahay, kita naman kung gaano ka-elegante at ka-artistic ang bawat bahagi nito. Kung baga, tatak-Heart talaga.

Sa bagong bahay na syempre idadaos ni Heart at ng mister na si Sen. Chiz Escudero ang Christmas 2017.

“Excited to start our own family traditions in this home 16 days to go til #Christmas!,” post ni Heart habang nakaupo sa may living room ng kanyang mansion.

Sa sobrang busy ngayon ni Heart, everybody’s wondering now kung matutuloy pa ba ang planong pagbubuntis ni Heart sa 2018. Well, baka naman tinatapos na muna niya lahat ngayon ang mga dapat gawin para pag nagbuntis siya ay sa pregnancy na siya at sa bagong baby nila magpo-focus.

Matatandaang sinabi ng aktres na kapag nagbuntis siya ay talagang magla-lie low muna siya sa showbiz at hindi na muna tatanggap ng proyekto.

Sec. Mark nakakalula ang plano sa mga kalsada

Na-excite at natuwa ang entertainment press sa ipinakitang AVP (audio visual presentation) ni DPWH (Department of Public Works and Highways) Secretary Mark Villar kung saan ay nakalatag ang napakalalaking infrastructure projects na plano ng Duterte government.

Nakakalula, nakakamangha at sobrang nakakabilib ang mga higanteng proyektong ito na kapag natapos lahat ay malaking ginhawa para sa ating lahat.

Isa na rito ay ang NLEX-SLEX connector kung saan ay magiging 30 minutes na lang ang travel time from Alabang to Balintawak dahil hindi ka na dadaan sa EDSA.

May gagawin ding NLEX Harbor Link na magkukunekta naman from Mindanao Ave to Commonwealth Ave at magiging 10 minutes na lang ang travel time.

Kabubukas lamang noong Dec. 6 ng 10.10 kilometer Pozurrobio segment ng TPLEX expressway kung saan ang travel time from Tarlac to Pangasinan ay magiging 45 minutes na lang mula sa dating 2 hours and 30 minutes.

Magkakaroon din ng Urdaneta City Bypass, Zamboanga City Bypass, Palo West Bypass at marami pang infrastructure projects na lahat ay naglalayong mapabilis ang biyahe and eventually ay tunay nang mawala ang traffic.

Ayon kay Sec. Mark, may mga matatapos nang proyekto by 2018 at siniguro niyang by the end of Duterte administration ay matatapos ang mga plano partikular na nga ‘yung talagang naaprubahan na at nabigyan na ng budget.

Kaya nga looking forward na kaming lahat sa mga proyektong ito dahil dito pa lang natin talaga masasabing may pag-asa pa ang EDSA kapag natapos na ito’t nawala na ang trapik.

Sa nasabing Christmas get together with the entertainment press ay kasama rin ni Sec. Mark ang asawang si Diwa partylist Representative na si Emmeline Aglipay-Villar na masayang ibinalita na sold-out na ang kanyang ini-release na book na Living Better with Lupus kung saan ay siya mismo ang author.

Na-diagnose ng lupus si Cong. Emmeline kaya naman naging advocacy niya ang tulungan ang mga katulad niyang dinapuan din ng nasabing karamdaman.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with