^

Pang Movies

Sen. Pacquiao ipagpo-produce ng concert ang Korean Actor na kinababaliwan ni Jinkee!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
     Sen. Pacquiao ipagpo-produce ng concert ang Korean Actor na kinababaliwan ni Jinkee!

Senator Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao

May good news ako, nag-usap kami ni Jinkee Pacquiao at talagang kunsintidora siya sa pagiging fan ko.

May promise sa akin si Jinkee na sasamahan niya ako sa premiere night ng Ansi City, ang co­ming soon movie ng aking favorite Korean actor na si Jo In-Sung.

Pagbibigyan ni Jinkee ang request ko para matupad ang dream ko na makilala nang personal si Jo In-Sung.

Ang dyowa ni Jinkee na si Senator Manny Pacquiao ang gumawa ng paraan kaya nagkaroon ang misis niya ng autographed picture ni Ji Chang Wook.

Kung hibang na hibang ako kay Jo In-Sung, number one fan naman si Jinkee ni Ji Chang Wook. Ang autographed picture ni Ji Chang Wook ang gift ni Papa Manny sa kanyang Korean addict na wifey.

Ni-reveal sa akin ni Jinkee na kahit si Papa Manny, watch din kung minsan ng mga Koreanovela dahil sa impluwensya niya.

Heto pa ang another good news, paglabas ni Ji Chang Wook mula sa military service nito, balak ni Papa Manny na ipag-produce ng concert ang Korean actor para mapanood ito ng kanyang asawa at mga anak. Bongga ‘di ba?

Ang sey ko kay Jinkee, sikat na sikat sa Korea si Papa Manny dahil paborito siya ng mga Koreano kaya madali sa kanila ang makahanap ng koneksyon kaya please gawan niya ng paraan na magkita kami ni Jo In-Sung, kesehodang ilagay ito ni Papa Manny sa sako at bitbitin papunta sa Pilipinas.

Veteran actor tuloy ang relasyon sa babaeng misteryosa!

Tuloy ang relasyon ng veteran actor sa girl na inililihim niya sa publiko.

Malaki ang agwat ng edad ng dalawa pero ang sabi nga, age doesn’t matter. In love na in love ang aktor sa kanyang girlfriend na alagang-alaga siya.

Ang staff ng isang wellness clinic ang source ng balita na ang secret girlfriend ang madalas na kasama ng aktor kapag sumasailalim ito sa therapy.

Masuwerte raw ang aktor dahil sa kanya umiikot ang mundo ng girlfriend na ginagawa ang lahat para mapaligaya at mapaglingkuran siya.

Marami nang nakarelasyon na babae ang aktor pero ang secret girlfriend ang pinakamatagal dahil low-profile ito. Hindi siya kagaya ng mga ex ng aktor na kung hindi mga sikat na aktres, mga kilala na personalidad kaya hindi tinatantanan ng kontrobersya ang kanilang relasyon na humahantong sa hiwalayan.

Sana nga, ang secret girlfriend ang forever ng aktor dahil karapatan niya na lumigaya bilang maayos na ang buhay ng lahat ng kanyang mga anak.

A Million Thanks Susan and Grace…

Maraming salamat kay Manang Inday aka Susan Roces at Senator Grace Poe dahil hindi sila nakakalimot na magpadala ng something tuwing Pasko.

Nag-drop by ako kahapon sa bahay ni Dolor Guevarra dahil ginetlak ko ang Christmas gift ni Senator Grace.

Ramdam na ramdam ko talaga ang sincerity at pagmamahal nina Senator Grace at Manang Inday. Nawala man si Kuya Ron (Fernando Poe, Jr.), sila naman ang pumalit. Just like Kuya Ron, very generous ang kanyang asawa at anak na never na nakalimot sa akin at sa entertainment press. A million thanks to Manang Inday and Senator Grace.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with