^

Pang Movies

Balik-Eat Bulaga, Maine tatapusin na ang bakasyon!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Balik-Eat Bulaga, Maine tatapusin na ang bakasyon!

Maine Mendoza

Babalik na sa Eat Bulaga si Maine Mendoza simula January 1, 2018.

Ito ang aabangan ng fans sa pagpasok ng bagong taon.

Sinabi kasi ng big boss ng TAPE, Inc. and APT Entertainment na si Mr. Tony Tuviera na babalik ang lahat ng kasali sa programa sa New Year, nang maka-bonding namin siya kahapon para sa isang Christmas tsikahan.

Mr. Tony Tuviera

Nauna na kasing nagbakasyon si Maine sa Amerika matapos maglabas ng saloobin tungkol sa real score sa kanila ni Alden Richards at sa kanilang fans.

Lahat ng host ng EB ay magbabakasyon starting next week hanggang December 31 at muling mapapanood ang buong grupo sa January 1.

Nabanggit din ni Mr. Tuviera na handa na ang script ng AlDub movie.

So tuloy ang ligaya nina Maine at Alden na t­iyak na ikakasiya ng fans nila.

Liza Soberano

Liza Soberano nagbukas ng Wellness Center!

May wellness center na rin si Liza Soberano na formal na nagbukas sa area ng Tomas Morato last Sunday night.

Ito ang Hope Hand and Foot Wellness Center. Pero maliban sa pagiging negosyante, ayon kay Liza simula na rin ito ng kanyang advocacy sa wellness.

Sinuportahan siya ni Enrique Gil sa formal opening ng Hope na mas naunang lumabas at sa kotse na lang naghintay (sa girlfriend na nga ba) habang nagpapa-interview pa si Liza sa loob ng kanyang wellness center.

Next year ay magiging busy na ang magka-love­team para sa kanilang teleserye na Bagani. At si Liza sa Darna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with