^

Pang Movies

ShaBin at JoshLia magpapakilig sa abroad

Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa sa ‘di inaakala ngunit matinding kinakiligan noong 1990s, muling magbabalik-tambalan ang Philippine Megastar na si Sharon Cuneta at Idol of the Masses na si Robin Padilla sa sorpresang handog ng Star Cinema, ang Unexpectedly Yours.

Matapos ang higit sa isang dekada, muling magsasama ang iconic Filipino stars sa isang milestone offering kung saan makakasama nila ang breakthrough love team nina Julia Barretto at Joshua Garcia sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.

Sa pelikula sa ilalim ng panulat nina Kiko Abrillo at Vanessa Valdez; at may screenplay nina Anna Karenina Ramos at Janica Mae Regalo, ang nasabing pelikula ay tungkol sa apat na indibidwal na iba-iba ang pananaw sa buhay.

Si Patty (Sharon) ay isang over-achiever na babae dahil sa mataas na expectations ng ina noong siya ay mas bata-bata pa. Nadala niya ang ugaling ito maski na sa pamilya kung kaya’t nakipaghiwalay noon sa asawang nawalan ng amor sa buhay at maski sa anak na inaasahan din niyang maging tulad niya.

Papasok namang muli sa kaniyang buhay si Cocoy (Robin), isang seaman na matagal na palang may gusto kay Patty.  Hindi man siya kasing sikat noon ni Patty ay masigasig naman nitong naitaguyod ang pamilya, kabilang ang pamangkin na si Jason (Joshua) kaya naman hindi na ito nakapag-asawa.
Ang pamangkin na si Jason naman ay may kaparehong karanasan sa buhay at pag-ibig – masipag man siya at may hitsura mang naturingan pero hirap na makamit ang mga nililigawan.  Kabilang dito si Yanni (Julia), ang anak ni Patty na kaniyang sinusundan sa social media.

Nostalgic romance at kilig feels ang hatid nina Sharon at Robin at nina Joshua at Julia sa Unexpectedly Yours, na mapapanood via TFC@theMovies sa December 14 sa Australia at New Zealand; at December 17 sa Taiwan, Hong Kong, at Singapore.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with