^

Pang Movies

Paulo ka-level na sina Phillip at Ricky

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Malaking pagsubok kay Paulo Avelino ang gampanan ang papel bilang Tony Javier sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 official entry na Ang Larawan.

Ginampanan ng mga premyadong aktor na sina Phillip Salvador at Ricky Davao ang papel na Tony Javier sa stage version ng Ang Larawan ni Nick Joaquin.

Kaya malaking challenge kay Paulo dahil kailangan niyang matutong kumanta at tumugtog ng piano.

Hindi akalain ni Paulo na masasabak siya agad sa isang malaking musical. Pero kailangan niyang gawin dahil pangarap niyang gumawa ng ganitong klaseng pelikula.

“Pinag-audition ako and luckily I got the part. Sabi ko nga, parang masyadong maaga pa to do a musical, pero ginawa ko naman. Na-challenge kasi ako.

“Malayo ito sa mga nakasanayan kong gawin sa TV at movies. It’s a first tapos magagaling pa ang mga kasama ko na sina Joanna Ampil at Rachel Alejandro.

“Kailangan makasabay ako sa kanila kaya nag-voice lessons talaga ako. Kailangan pitch perfect ako or else nakakahiya sa mga kasama ko,” natatawang kuwento ni Paulo.

Thou Reyes morena na babae ang target

Pinuri ng marami ang mahusay na pagganap ni Thou Reyes bilang drag queen na si J.Blo sa comedy film na Barbi, D’ Wonder Beki.

Ilang beses na ring gumanap bilang bading si Thou sa pelikula, kaya marami ang naghihinala na beki siya in real life.

“Magaling lang tayong gumanap na beki kaya gano’n siguro ang naiisip nila.

“I really don’t mind playing gay, pero sometimes may mga tinatanggihan na rin ako kasi nagkakasunud-sunod na.

“Thankful ako na dito sa movie na Meant To Beh, straight ang role ko. Straight na babae naman!” tawa ni Thou.

Dahil role ng isang babae si Thou, iba naman daw ang kilos niya. Babaeng amasona nga raw siya sa movie.

“Ako lang yata nakakabuhat kay Baeby Baste! Kaya ang yaya niya ay amasona.

“Malaking challenge for me kasi babae naman ang ginagampanan ko. Pati kilos at pananalita ko kailangan babaeng-babae,” diin pa niya.

Kapag may offer daw na magandang gay role, puwede raw itong gawin ni Thou.

“Kung challenging na gay role, I might do it naman. Gusto ko kasi iba-iba. Hindi ‘yung stereotype,” ngiti pa niya.

Dating child actor si Thou at nagsimula siya sa Ang TV noong 1994. Lumabas siya bilang child star sa ilang mga TV shows tulad ng Kaya Ni Mister, Kaya Rin Ni Misis, Kung Fu Kids, Batang X, at K2BU.

Sa teleserye na I Love Betty La Fea unang tumanggap ng gay role si Thou at nasundan na ito sa mga pelikulang Sisterakas, Ang Tanging Ina Mo (Last Na ‘To), at When The Love Is Gone.

Sa entablado, gumanap na rin bilang drag queen si Thou sa gay musical na Care Divas.

Walang karelasyon ngayon si Thou dahil puro raw siya trabaho. Kung may time raw siyang manligaw, type niya ay mga morena girls.

TV host na si Matt Lauer, gusto na ring kalasan ng misis dahil sa kamanyakan

Nagsalita na si Katie Couric tungkol sa nangyari sa dating katrabaho na disgraced TV host na si Matt Lauer.

Fifteen years na nagkasama sa The Today Show sina Matt at Katie at laking gulat ni Katie nang malaman niya ang pagkaka-fire kay Matt ng NBC dahil sa sexual misconduct.

“It’s incredibly upsetting and I will say something when I’m ready to. Thanks for your interest,” sey noon ni Katie sa kanyang social media account.

Kailan lang ay nakita ang misis ni Matt na si Annette Roque na hindi na suot ang wedding ring nila.

Usap-usapan na magpa-file na ito ng divorce kay Matt.

Noong ma-fire si Matt ng NBC dahil sa sexual misconduct, humiwalay agad ang misis nito sa kanya.

Ipinagtanggol pa raw niya ang mister niya sa rumor na ito noong unang lumabas, pero dahil sa mga ebidensya kaya pinag-isipan na nitong hiwalayan ng tuluyan si Matt.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with