^

Pang Movies

Dingdong at Marian kinilala muli ng Anak TV!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Dingdong at Marian kinilala muli ng Anak TV!

DongYan

Once more, kinilala ng Anak TV Awards ang dalawa sa most famous love teams – sina Dingdong Dantes at Marian Rivera (DongYan) at sina Alden Richards at Maine Mendoza (AlDub) ng GMA Network.  Tinawag silang Makabata Stars. 

Ang Anak TV awards ay kumikilala every year para bigyan ng pagpapahalaga ang mga artista at mga TV programs na mga kid-friendly.  Pinipili sila ng jury bilang most credible, wholesome at nagbibigay ng inspirasyon sa ating mga kabataan.

Last year ay magkasamang tumanggap ng kanilang trophy ang mag-asawang Dingdong at Marian at ang magka-love team na sina Alden at Maine.  Ngayon magkasama muling tumanggap sina Ding­dong at Marian.  Ayon kay Dingdong, na katatapos lamang sa kanyang primetime drama series na Alyas Robin Hood 2, lalo raw niyang pagbubutihin at pipiliin ang mga project na gagawin niya, dahil mayroon na nga silang anak ni Marian, si Baby Letizia.  Si Marian naman, wearing a Kultura Filipino dress ay muli ring nagpasalamat sa mga taong pumili sa kanila at lalo raw niyang pipiliin ang mga eksena sa primetime action-drama series niyang Super Ma’am para sa mga batang sumusubaybay sa kanila gabi-gabi.

Sayang nga lamang at parehong wala sina Maine at Alden (na maysakit kaya hindi nakarating para tanggapin sana ang awards nila ni Maine).  Ganoon pa man, ipinadala sa kanila ang kanilang mga trophies kaya nagpasalamat agad si Alden sa kanyang Instagram story.  Sa pamamagitan naman ng manager niyang si Rams David, nagpasalamat din siya sa award na tinanggap ni Maine.

Nakatutuwa rin makitang magkakasama ang mga Kapuso at Kapamilya stars na tumanggap ng mga awards. Inducted na as Makabata Hall of Famers sina Ms. Charo Santos-Concio, Piolo Pascual, Anne Curtis, Sharon Cuneta, Arnold Clavio, Vicky Morales at Vic Sotto na tumanggap na ng awards sunud-sunod, sa loob ng pitong taon.

EA sineseryoso ang mga grasya

Inamin ni Edgar Allan Guzman sa presscon ng Deadma Walking nila ni Joross Gamboa na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 simula sa December 25, na mas seryoso siya ngayon dahil sa mga sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya.  Naging busy muna siya sa taping ng My Korean Jagiya then shooting ng Deadma Walking at in –between ng dalawang projects, nakakapag-guest pa siya sa ibang shows ng GMA 7.

Like tonight, isa siya sa players sa musical game show na All Star Videoke hosted by Solenn Heussaff at Betong Sumaya, kasama ang iba pang Kapuso stars.                                         

Maine dumami ang kakampi

Nagbabakasyon si Maine Mendoza sa US at may mga picture na siyang inilabas ng mga kaibigan niya. Pero si Maine mismo, tahimik sa kanyang social media account. Palagay namin, hindi rin siya sumusulyap ngayon sa social media dahil alam niyang hindi siya titigilan ng hecklers. Hindi lang bashers ha, hecklers ang tawag diyan.

Hindi rin namin malaman kung bakit kinukumbinsi nila ang ibang mga artista na makisawsaw sa issues ni Maine, at tuwang-tuwa sila kung nakakakuha sila ng unfavorable comments laban sa kanya. Kung sa bagay, dapat mo namang asahan iyon dahil siyempre ang attitude naman ng iba, “kung hindi ka namin pakikinabangan, wawasakin ka na lang namin”. Pero hanggang kailan naman natin papayagan ang ganyang attitude?

Isa kami sa maraming naniniwala na tama ang ginawa ni Maine. Hindi siya plastic eh. Sinabi lang niya kung ano ang kanyang damdamin. Ano ba ang mas tama, iyong nagsasabi ng totoo o iyong patuloy na nagkakalat ng kasinungalingan sa publiko dahil sa “negosyo”?

Habang ginagawa nila iyan, lalong umaani ng simpatya si Maine mula sa mga taong may matuwid na pag-iisip. Sa communications, matagal nang tanggap na hindi totoo iyang “sitting target theory” o iyong simpleng “brainwashing”. Nag-iisip ang mga tao eh, kaya nga hindi rin umeepekto ang sobra-sobra nilang pralala, dahil alam naman ng mga tao kung ano ang “bayad na publisidad”.

Sa nakikita namin, pati iyang social media ay masisira na rin, dahil napakarami nang bayad na publisidad na lumalabas diyan. Hindi mo na alam ang totoo. In the end, iibabaw pa rin ang nagsasabi ng totoo. Mas paniniwalaan pa rin iyon ng publiko dahil iyon ang tama.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with