^

Pang Movies

Jinkee pinaligaya nang todo ng Korean actor!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Jinkee pinaligaya nang todo ng Korean actor!

Jinkee at Manny

Pinaligaya nang husto ng Korean actor na si Ji Chang Wook ang misis ni Sen. Manny Pacquiao kahapon. Ito ay kahit nasa military training ang K actor na magi-stay doon for two years.

Kahapon ay ini-upload ni Jinkee ang ca­lendar ni Ji Chang na may dedication nito. “OMG!!!!!OMG!!!! Isa sa pinakamasayang araw ko ngayon dahil sa surprise na binigay sa akin. As in super ang saya saya ko! Salamat sa kaibigan ni Manny na nagpunta kay Ji Chang Wook para dito at may cd pa! #smallthingsthatmatter #iamahugefan #happy #jichangwook,” sabi nito sa caption sa kanyang IG account.

Bukod dito, nag-decide pa ang mag-asawang Manny at Jinkee na sa Korea mag-Christmas. May gagawing TV show ang Pambansang Kamao, Infinite Challenge, isa sa pinaka-sikat na TV sa South Korea.

Matagal-tagal na ring nababaliw si Jinkee sa nasabing Korean actor at minsan na niyang nabanggit na lahat ng K drama nito ay napanood na niya.

Suspicious Partner ang title ng last drama ni Ji Chang bago ito pumasok sa military camp.

Hay ang suwerte ni Ms. Jinkee. Tiyak na inggit much si Nay Lolit Solis sa suwerte ni Mrs. Pacquiao.

Kami nga naman nakatatlong balik na sa Korea, hindi namin nasilayan ang mga gusto naming makita. Hahaha.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with