^

Pang Movies

Daniel wala pang mahanap na mapapangasawa

Vir Gonzales - Pang-masa
Daniel wala pang mahanap na mapapangasawa

Daniel Fernando

Masaya si Bulacan Vice Governor Daniel Fernando nang makapanayam namin sa isang Korean restaurant sa Tomas Morato.

Pagkaraan daw ng almost 25 years ay napanalunan na niya ang Best Supporting Actor sa PMPC dahil sa kanyang makatotohanang acting sa Ikaw Lang Ang Iibigin na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Sa kasalukuyan, lahat halos ng hinihiling niya ay abot-kamay na niya maliban daw sa pangarap na matagpuan ang babaeng mamahalin habang buhay.

Magbuhat daw kasi noong ma-in love siya for seven years sa isang girl ay hindi na siya umibig. Ayaw daw ng parents ng dalaga dahil artista lang siya.

Nabanggit tuloy ni Daniel na kapag nananalo siya sa pagtakbo bilang governor sa Bulacan ay mag-aasawa na siya. Tatakbong gov si Daniel na may basbas na ng kasalukuyang Bulacan governor Willy Alvarado.

Anyway, may hinanakit pala siya sa Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT). Itinatanong niya kung bakit daw pinayagan ng grupo na kalabanin siya ni Phillip Salvador bilang vice governor noon.

Amay kinamumuhian

Kahit komedyante at vice president ng KAPPT si Amay Bisaya ay marami  pa rin ang namumuhi sa kanyang ginawa na isuplong sa isang kampo ang kuta ng mga rebeldeng sina Lito Lapid at Coco Martin.

Magandang  si Amay ang inilagay sa naturang papel dahil naging balanse ang casting ng FPJ’s Ang Probinsyano. Hindi kasi maganda kung isang ‘the who’ lang ang mabibigyan ng importanteng papel dahil hindi pabor o satisfied ang manonood.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with