^

Pang Movies

Rocco ginawang tirahan ang sasakyan

Joe Barameda - Pang-masa
Rocco ginawang tirahan ang sasakyan

Rocco

Mula nang mabalitaan na nagtapos bilang cum laude ang Haplos actor na si Rocco Nacino, marami ang nagtatanong kung paano niya napagsabay ang pag-aaral, pag-aartista, at maging ang pag-eehersisyo. Kitang-kita kasi sa pagrampa niya sa underwear fashion show na marami talaga siyang time para mag-work out.

Certified lodi (idol) si Rocco dahil kaya niyang balansehin ang kanyang oras at isa sa mga naipakita niyang tip ay ang paglagay niya ng mga every day essentials sa kanyang sasakyan. Customized ang kotse niya at dinadala niya ito kapag may taping. Sa loob ay merong pwedeng gawing kama, merong TV, at ilang mga work out equipments. Laking tulong sa mga artista ang ganitong klase ng sasakyan dahil nandoon na ang lahat ng kailangan nila.

Daig Kayo wagi sa Sinebata

Dahil sa mga kwentong kinapupulutan ng aral, patuloy na namamayagpag ang Daig Kayo Ng Lola Ko bilang number one weekly magical anthology show ng Kapuso Network. Hindi ito bumibitiw sa ratings game at ito ang laging inaabangan pagdating sa mga pambatang palabas na my life lessons na handog. At dahil din doon kaya naman wagi ang Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sinebata Awards Professional Category Fiction Pre-Teens (8-12 yrs. old).

Derrick nag-hire ng babe bodyguard

Sasali sa kwentuwaan ngayong Linggo sina Derrick Monasterio at Alyana Asistio sa Dear Uge. Gaganap na isang babe bodyguard si Barbie (Alyana) kay Joaquin (Derrick) na very spoiled at mahirap pakisamahan. Pero paano kung ang simulang su­ngitan at bangayan ay mauwi sa pagkakainlaban? Abangan ang unang pagtatambal nina Alyana at Derrick sa Babe Bodyguard episode ng Dear Uge ngayong Linggo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with