^

Pang Movies

Mariel at Jessy agawan sa most bashed celebs!

Debbie Castillo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Masasabing pangkaraniwan na sa mga artista ang makabasa sa comment section ng kanilang social media accounts ng basher. Marami sa kanila ay sanay na samantalang may iilan na hindi mapigilang pumatol.

Bilang selebrasyon sa ika-14 anibersaryo ng paborito ninyong diyaryong PM (Pang-Masa)  narito ang 14 most bashed local personalities. Sagad sa buto ang mga natanggap nilang bashing na kung mahina ang loob mo ay hindi mo kakayanin :

1. Jessy Mendiola - Isa ang aktres sa paboritong lait-laitin ng netizens dahil diumano, inagaw nito si Luis Manzano kay Angel Locsin na mariing itinanggi nina Luis at Jessy. Isang taon na ngayon ang relasyon nina Luis at Jessy at nag-lay low na rin ang haters sa pangba-badtrip sa aktres.

2. Joey de Leon - Picture na kanyang kuha sa Deadsea na may caption na “Nuknukan ka na ng katangahan ‘pag sa DEADSEA nalunod ka pa!” ang naglagay sa Henyo Master sa kumukulong kawa matapos siyang akusahan na nagpaparinig sa nalunod na Hashtag member na si Franco Lumanlan. Nauna rito, inupakan din ng galit na netizens si Joey matapos niyang mapagkamalan na kaartehan lang at hindi sakit ang depression.

3. Mariel De Leon - Nakuha ng Bb. Pilipinas International 2017 ang korona sa pagiging most hated ngayong taon matapos siyang makailang ulit na i-bash ng netizens dahil sa diumano pagkahilig niya sa pagsawsaw sa mga issue. Na-pompyang ulit si Mariel nang umuwi siyang luhaan sa Miss International.

4. Kris Aquino - Bawat post niya sa social media ay may kakambal na pang-iinis ng netizens. Ganun pa man, panalo pa rin ang dating TV host pagdating sa pagsagot sa mga ito.

5. Nadine Lustre - Ang kanyang pagsang-ayon sa ‘live in’ set up ang nagpawindang sa malaking following ng real loveteam ni James Reid.

6. Maine Mendoza - Ang kanyang open letter sa mga tagahanga nila ni Alden ang ikinatatampo ng AlDub Nation. Hindi nila matanggap na friendship lang ang tanging relasyon ng dalawa.

7. Tito Sotto - Pinalagan hindi lang ng netizens kung hindi maging ng mara­ming artista ang “Na ano lang...” statement ni Sen. Tito Sotto patungkol kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo.

8. Mocha Uson - Ang kanya raw pagpapakalat ng fake news ang isa sa pinakakinaiinisan kay PCOO Asec. Mocha Uson.

9. Maxine Medina - January ng taong ito nang i-represent ni Maxine Medina ang Pilipinas sa Miss Universe 2015. Ang kanyang mali-maling English grammar ang inayawan ng netizens sa beauty queen.

10. Manny Pacquiao - Ginawang katuwaan sa social media ang pagsulpot ni Sen. Manny Pacquiao sa live chat ng mga seksi at magagandang bagets sa Instagram celebrities.

11. Heart Evangelista - Damay si Heart Evangelista sa statement ng kanyang malapit na kaibigan na peke raw ang signature brand na suot na T-shirt ni Marian Rivera.

12. Kris Bernal - Anorexic at bulimic ang akusasyon ng netizens kay Kris Bernal. Agad na idinenay ito ng aktres at sinabing mabilis ang kanyang metabolism at regular ang kanyang pagpunta sa gym.

13. Arci Muñoz – Matagal na nanahimik sa social media si Arci Muñoz matapos kumalat ang picture na kapansin-pansin na pagbabago ng kanyang ilong at labi. Hindi siya tinantanan ng bashers sa pamimintas at pagkukumpara sa dati niyang hitsura.

14. Sef Cadayona - Manggagamit ang salitang iniuugnay kay Sef Cadayona matapos mapabalita na nililigawan niya si Maine Mendoza, ang ka-loveteam ni Alden Richards.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with