Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ate Vi nagpapasalamat sa kaligayahang Ibinibigay ni Jessy kay Luis!

Aminado si Congressman Vilma Santos-Recto na nakakadama rin siya ng pagod bilang public servant. Ang nakakagamot sa kapagurang nadarama niya ay ang sessions breaks kung saan sinasamantala niyang magbakasyon.

“Kahit naman nu’ng nag-aartista ako, naghahanap din naman ako ng break. Kasi may time talaga na, ‘Ayo­ko na! Pagod na ako!.’

“Eh totoo naman ‘yon. Ganoon din dito, sa politics, may times na. ‘Tama na. Enough na!’ Kahit papano, nakakapagod na rin.

“But although it’s very fulfilling pero nakakagamot din ‘yung nagbabakasyon ka. Kasi nagiging normal ka na naman doon eh. Ha! Ha! Ha! Nari-recharge. Nakaka-unwind, fresh uli ang utak mo to work again.

“Pero kapag drained ka na, ‘Ayoko na. Pagod na ako!’ At saka dito sa Congress, hindi biro ang traffic ko na three hours a day! Six hours in a day, coming and going home. God! Ang ten weekend, Lipa naman ako unless budget hearing, whole week ako dito.

“So ang ibig kong sabihin, ang oras ko nakakapagod din. Treintay kuwatro ka na! Ha! Ha! Ha!” paliwanag ni Cong. Vilma.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ngayong Pasko, magsasalu-salo ang pamilya niya tuwing Noche Buena. Take note na laging ka-join sa kanilang selebrasyon hindi lang ang buong pamilya niya kundi kasama rin ang kasambahay at pati na pamilya nila.

Hindi na naghahangad pa ng mamahaling materyal na bagay si Cong. Vilma. Maligaya na siya kapag nireregaluhan siya ng tuwalya at pajamas!

Pagdating naman sa personal life ng anak na si Luis, nagpapasalamat siya kay Jessy Mendiola dahil sa napapasaya nito ang kanyang panganay.

Ali pinagdudahang nanganak!

Handang magpaalipin ni Ali Sotto sa unang apo niya sa anak na si Chino. Ito ang dahilan kung bakit nawala ng ilang araw si Ali sa radio program nila ni Arnold Clavio sa DZBB.

Marami nga ang nag-akala na nanganak si Ali dahil sa mga biro sa ere ni Igan. Hindi na puwedeng manganak si Ali, ‘no? Pinost ni Ali ang picture ng lalaking apo sa Instagram niya na dinumog ng papuri ng kanyang followers.

Child star na maitim, tumungga ng santambak na gluta!

Gulat na gulat ang ilang showbiz press nang makita ang hitsura ng isang dating child star na nagdadalaga ngayon.

Tumatak kasi sa isipan ng press ang pagkakaroon ng maitim na kutis ng child star. Pero nang makita na nila ito sa isang showbiz event, nakakasilaw na raw ang kaputian niya, huh!

Biro tuloy ng ilang press, baka lumaklak siya nang supplements na pampaputi ng kutis kaya sobrang nanibago sila sa hitsura ng dalaginding na dating child star, huh!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: