Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Aktres nagpapaalila sa taping ng BF

MANILA, Philippines — Tamad-tamaran at walang drive na magtrabaho ang female celebrity na ito dahil mas gusto pa raw nitong magbantay at magbabad sa taping set ng kanyang boyfriend na isang young actor. Madalas nga raw makita si female celebrity sa taping ni young actor. Nandoon lang daw ito sa sasakyan ng young actor at buong araw nga siyang nandoon para lang maging yaya ng young actor. Siya ang nagdadala ng pagkain, mga damit nito at kapag may ipapabili si young actor ay more than willing na gawin ito ni female celebrity.

Hindi nga lang daw yaya si female celebrity kundi para na siyang Ate, Tiyahin at Nanay na ni young actor. Kahit na nga raw may mga offers ito, tinanggihan nga raw ni female celebrity ang mga project dahil ayaw daw niyang malalayo ang location ng taping. Gusto niya ay ‘yung malapit lang para madali siyang makatakbo sa taping ng kanyang karelasyong young actor kapag kailangan siya nito.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: