Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Actor suko na sa ambisyon

MANILA, Philippines — Mukhang susuko na nga ang young actor na ito sa kanyang ambisyon na maging isang sikat na artista. Nagdesisyon na raw itong bumalik sa kanyang pag-aaral sa ibang bansa kesa naman daw ma-frustrate ito sa kanyang showbiz career. Ayon nga sa mga close friends ng young actor, masyado raw kasi itong nagmamadali sa kanyang career. Gusto niya ay bongga agad ang mga project na gagawin niya.

Imbiyerna na rin ang manager nito dahil masyadong choosy ang kanyang alaga. Umabot na nga raw sila sa puntong nagsigawan sila dahil ayaw gawin ng young actor ang isang project dahil sa pagkaka-describe niya ay “very lame” and “ordinary” ang gagawin niya. Binalik lang ng manager nito ang mga sinabi ni young actor. Ang talent naman daw niya ay “lame” at “ordinary” rin. Wala nga raw siyang karapatang mamili ng trabaho dahil wala pa siyang napapatunayan. Kailangan sumunod lang siya, pero dahil matigas nga ang ulo nito, pinabayaan na lang siya ng manager sa mga gusto niyang gawin.

Huwag lang daw ito aasa sa mga project dahil tinanggihan na nito lahat.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: