Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hubaderong starlet, biglang naging conservative dahil sa GF

MANILA, Philippines — Muntik nang ma-high blood ang isang talent caster ng isang indie film dahil sa kinuha niyang male starlet para gumanap sa isang role na kailangan itong maghubad.

Noong mag-usap sila ng manager ni male starlet ay okey lang daw na mag-shirtless ito sa eksena dahil nasa kundisyon naman ang katawan nito.

Tsaka panay naman daw ang pag-post nito ng mga shirtless photos nito sa social media kaya wala raw problema dahil babayaran na siya sa paghubad niya sa TV.

Pagdating daw sa set ng male starlet ay sinabihan na siya na maghanda na at lalagyan ng make-up ang katawan niya.

Parang maang-maangan ang male starlet na hindi niya alam na maghuhubad siya sa eksena.

Sinabi ng talent coordinator na nag-usap na sila ng manager nito at okey daw at approve ito sa eksena na maghuhubad ito ng pang-itaas.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nag-excuse muna ang male starlet at tinawagan pa nito ang manager. Nakaramdam ng tension ang talent caster dahil parang ayaw pumayag ni male starlet na maghubad.

Noong kausapin ni talent coordinator ang manager ni male starlet, ayaw daw maghubad ng alaga nito dahil baka raw magalit sa kanya ang girlfriend nito.

Pinapa-delete nga raw ng girlfriend nito ang photos nito sa social media na dini-display nito ang kanyang katawan.

Ang ama raw kasi ng girlfriend ni male starlet ay may katungkulan sa isang simbahan, kaya baka raw maeskandalo ito sa paghuhubad ni male starlet.

Siyempre, nagalit ang talent caster dahil sa kaartehan ng male starlet. Mabuti na lang at may nakontak siya agad-agad na isa pang male starlet at minadali niyang papuntahin sa set.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: