Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Drama actress walang kaalam-alam na sariling kumare ang kumabit sa BF

MANILA, Philippines — Kawawang Drama Actress!

Walang clue ang drama actress na ito na masyadong madulas ang kanyang partner for life sa kanyang pambababae.

Hindi alam ni drama actress na minsan ay panauhin pa nila sa kanilang hinu-host na party ay naging babae ng kanyang partner.

Ang nakakagulat pa rito, close pa si drama actress sa na­ging babae ng kanyang partner.

Siguro ay naging maingat na si partner sa kanyang pambabae para hindi na magduda at mag-investigate si drama actress.

Minsan na raw kasing nabuking siya ni drama actress dahil sa paiba-ibang T-shirt na suot niya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Si drama actress kasi ang madalas bumili ng mga t-shirts ng kanyang partner kaya alam niya ang mga damit nito.

Laging excuse ni partner sa bagong shirt ay napapawisan daw siya sa trabaho kaya bumibili siya ng extra shirt.

Noong lumakas na ang pagduda ni drama actress, tsinek niya ang credit card purchases ng kanyang partner pero walang nakalagay doon na may mga shirt siyang binili.

Pero never daw nagka-cash si partner kaya may duda na may babaeng nagbibigay ng bagong shirt dito.

Ang ikinalokah pa ni drama actress ay nag-check-in ng tatlong beses ang kanyang partner sa isang hotel na malapit sa trabaho nito.

Noong kumprontahin ni drama actress ang partner niya, sinabi nito na nagpapahinga siya sa hotel after work dahil traffic pauwi sa kanila.

Tinanggap ni drama actress ang excuse na iyon ni partner, pero nandoon pa rin ang pagdududa niya.

Ngayon maingat na si partner at walang clue si drama actress na may kinalolokohan siyang babae ngayon na kumare pa nila.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: