Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pagsikat ni Janella naudlot kay Elmo! Joshua at Julia naiwan na ang mga kasabayan

In celebration of the 14 years of PM (Pang-Masa), let’s predict, Salve A., kung sinu-sino sa 14 love teams na papangalanan natin ang papantay, kung hindi man mahihigitan ang kasikatan ng tandem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. And, of course, nina Nadine Lustre at James Reid.

Yes, ngayong 2018.

Hindi naging madali ang pinagdaanan ng KathNiel (tawag sa tandem nina Kathryn at Daniel) para maranasan ang tinatamasa nilang tagumpay ngayon. Dumaan sila, kumbaga, sa butas ng karayom.

Pareho rin ang karanasan na tinahak nina Nadine at James, bago sila tuluyang tawagin na JaDine.

It would have proved sana na different take for Janella Salvador and Elmo Magalona kung sa kanilang unang team-up sa Born For You, ay sumikat agad ang ElNella sa kanilang fans. Unfortunately, it hasn’t. Naapektuhan pa nga ang medyo papaangat na sana sa showbiz career ni Janella bilang solo star.

The Liza Soberano-Enrique Gil twosomes may make it, especially kapag nagsimula na ang series nilang magkasama, ang Bagani. Malaking advantage for them na bagay talaga sila ‘pag magkasama.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

What will prove a minus factor for them as a team ay kapag napanood na si Liza sa Darna. As it is, sabi nga ni Liza, she’s preparing for it.

In the case of young performers na sina Joshua Garcia at Julia Barretto, mukhang nangunguna sila sa kanilang mga kasabayan ngayon.

So far, mayroon na silang tatlong hit movies bilang love team. Ang una ay ang 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry, Vince & Kath & James, kung saan nakasama nila si Ronnie Alonte.

Dumami lalo ang kanilang mga tagahanga nang magtambal sila sa kanilang second movie na Love You To The Stars and Back na directed by Antoinette Jadaone.

And now, ang kanilang currently showing movie na Unexpectedly Yours ay kumpirmadong blockbuster. Kasama nila sa said movie sina Sharon Cuneta at Robin Padilla.

Bonus to their fans and following ang pag-amin nila na yes, may namumuong romance sa kanila.

Runners-up bilang mga magka-loveteam to watch sina Diego Loyzaga at Sofia Andres na mga bida sa trending series na Pusong Ligaw; sina Nash Aguas at Alexa Ilacad, na magkasama naman sa The Good Son; sina McCoy de Leon at Elisse Joson, na pareho ring nasa The Good Son; Loisa Andalio at Ronnie na diumano’y sa tunay na buhay ay talagang nag-iibigan.

Problema naman ni Barbie Forteza, kung sino kina Jak Roberto at Derrick Monasterio ang pipiliin niyang maka-love team.

Kung sabagay, malamang na nakalamang si Derrick, considering na paalis silang magkasama papuntang Italy para sa shooting ng Almost a Love Story, na ipo-produce ni Baby Go at ididirehe naman ni Louie Ignacio. May gagawin din silang series together sa 2018, ang Bongga Ka ‘Day (I Heart Cebu) na ang taping ay magaganap sa nasabing siyudad.

Kung sa bagay, maituturing naman na lamang ni Jak ang personal na pagpunta ni Barbie sa kanyang taping sa Tagaytay, para lang batiin siya ng happy birthday.

May handog pa itong cake para sa kanya.

Joao makaepal kaya? Sue at Arjo bagay na bagay!

Matunog din ang usap-usapan na pagtambalin sa isang projects sa TV at pelikula sina Inigo Pascual at Maris Racal.

Right now, mas lamang ang pagiging singer ni Inigo, considering na mayroon na siyang dalawang big hits, ang Dahil Sa’Yo, na siya ang nag-compose at ang Extension, na kanyang inawit sa katatapos na Himig Handog competition.

Singer din si Maris at featured din siya kasama sina Jameson Blake, Jane Oineza at Jon Lucas sa MMFF 2017 entry ng Regal Entertainment na Haunted Forest.

Bagay naman na ka-tandem si Sue Ramirez ni Arjo Atayde at napapanood na sila sa bagong serye na Hanggang Saan.

Ganun paman, matindi raw ang crush at pagnanais ni Joao Constancia na tubong Macau, China at member ng popular Boyband PH, na makatrabaho si Sue.

Sue, of course, also sings and dances.

Kisses personal request na iligwak si Marco

Sayang at napurnada ang pagbi-build up kina Kisses Delavin at Marco Gallo na parehong “graduates” ng katatapos na Pinoy Big Brother (PBB) Dream Team.

Pero, hindi itinatanggi ni Kisses na siya ang nakiusap sa mga kinauukulan, na huwag nang ituloy ang tambalan nila ni Marco, sa kadahilanang ayaw nang sabihin ni Kisses.

Ngayon, balitang itatambal siya kay Tony Labrusca, na gaya ni Kisses ay Inglesero.

Anak siya ng model at aktor na si Boom Labrusca. Ipinanganak siya sa Houston, Texas, USA pero lumaki sa Canada.

Ang kanyang biological mom na si Angel Jones ay former member ng singing group na Kulay.

He was in his teens (he is now 22), nang makilala niya ang kanyang ama dito sa Philippines.

Umapir na rin sa ilang commercial si Tony at isa sa mga ito ay sa sikat na fastfood.

Kahit hindi siya nakasama sa five lucky winners ng famous BoybandPH, umaasa pa rin siya na makikilala siya sa pag-awit.

Of Kisses, he will not mind teaming up with her.

Kasalukuyang napapanood si Tony sa La Luna Sangre kasama sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Richard Gutierrez at Angel Locsin.

Maymay ginawang teacher ni Edward

Habang hindi natuloy ang pagi­ging magka-love team nina Kisses at Marco, humahatak na ng maraming fans ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barbers na dati ring housemates ni Kuya sa season ng PBB Dream Team.

Of the two of them, however, mas lamang si Maymay, dahil kasama siya sa La Luna Sangre at pinsan pa kamo ni Daniel ang papel na kanyang ginagampanan.

Determined to make it in local showbiz, dibdiban ang pag-aaral ni Edward ng Tagalog. Ipinanganak at lumaki kasi si Edward sa Germany.

Malaking tulong daw si Maymay sa pag-aaral ni Edward.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: