^

Pang Movies

Marian reynang-reyna sa facebook!

Debbie Castillo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang duda na ang Facebook ang social networking service na pinaka-gina­gamit ng mga Pinoy. Hindi lang ito ginagamit para makausap ang mga kapamilya at kaibigan na nasa malayong lugar at hindi madala makita dahil ginagamit na rin itong platform ng malalaking network, news programs, at celebrities.

Narito ang 14 artista/personalidad na most liked ang Facebook page:

1. Marian Rivera (18,353,623) – Hindi pa rin natitibag ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa pinakasikat na Facebook page sa Pilipinas. Samu’t sari ang makikita sa FB page ng aktres mula sa kaganapan sa kanila ni Dingdong Dantes at sa unica hija nilang si Baby Zia hanggang sa kanyang OOTD (outfit of the day) at sa mga bagong endorsement.

2. Angel Locsin (15,521,867) – Lahat ng latest news kay Angel Locsin ay tiyak na makikita sa kanyang Facebook page na hawak ng kanyang mga tagahanga.

Madalas ding mag-share ang nasabing page ng mga news mula sa mga websites.

3. Vice Ganda (14,252,845) – Bubungad sa FB page ni Vice ang mga promotional videos at pictures para sa 2017 Metro Manila Film Festival entry niya na Gandarrapiddo! The Revenger Squad kung saan kasama niya sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach.

4. Anne Curtis (14,235,315) – May hangover pa si Anne Curtis sa kasal nila ni Erwan Heussaff at ito ang napatunayan ng kanyang followers sa Facebook. Ginagamit din ni Anne ang kanyang FB page sa pagpapalaganap ng kanyang advocacies.

5. Sarah Geronimo (13,369,076) – Walang official social media account ang Popstar Royalty kaya sa kanyang Facebook page nakikibalita ang mga tagahanga ni Sarah.

6. Toni Gonzaga (13,198,810) – Stress reliever para sa fans ni Toni Gonzaga ang mga picture ng anak na si Baby Seve sa kanyang FB page.

7. Yeng Constantino (12,374,611) – Ginagamit ni Yeng ang kanyang FB para sa kanyang video blogs tampok ang kanilang travel ng asawang si Yan Asuncion.

8. Manny Pacquiao (11,784,365) – Kadalasan ay family picture ang pino-post ni Pambansang Kamao at Sen. Manny Pacquiao sa kanyang timeline.

9. Kim Chiu (11,502,915) – Maraming makikita sa FB account ni Kim Chiu na kadalasan ay mga link ng video para sa mga hindi nakanood ng epidode ng Ikaw Lang Ang Iibigin.

10. Cristine Reyes (9,854,713) – Kitang-kita sa timeline ni Cristine Reyes na ang pagiging misis at ina ang number one priority niya.

11. Jennylyn Mercado (9,534,287) – Maya’t mayang updates ang makikita sa Facebook page nang Ultimate star na si Jennylyn Mercado.

12. Erich Gonzales (9,343,744) – Tulad ni Vice, aktibung-aktibo rin ang FB page ni Erich sa MMFF entry nila ni Jericho Rosales, ang Siargao.

13. Team Kramer (8,639,19) – As usual, funny videos ang hatid ng Team Kramer na pinangungunahan ng mag-asawang Doug at Cheska Kramer

14. Melason (7,329,486) – Umabot sa top 14 list ang FB page ng mag-asawang sina Jason Francisco at Melai Cantiveros na madalas mag-share ng iba’t ibang health tips.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with