Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Loveteams noon at ngayon hindi nagkakatuluyan!

Ika-14 na taon na ng PM, at aywan nga ba kung bakit ang naisip namin ay ang 14 na love teams sa showbusiness na masasabi nating pinakasikat sa kanilang panahon. May natuluyan, may hindi rin naman.

Simulan natin kay Congresswoman Vilma Santos. Ang una niyang love team ay si Jay Ilagan, pero hindi tumagal iyon dahil itinambal siya kay Edgar Mortiz na siya rin niyang unang boyfriend. Pinaka-click ang love team nila pero hindi sila nagkatuluyan. Ang dami ring nanligaw kay Ate Vi, pero aywan kung bakit biglang nagpakasal siya kay Edu Manzano, pero nagkahiwalay din sila. Natagpuan niya ang kanyang forever kay Senator Ralph Recto, na siya na niyang real love­team for life.

Si Nora Aunor naman ang pinakasikat na ka-love team ay si Tirso Cruz III. Naka-love team din niya sina Manny de Leon, Cocoy Laurel, Sajid Khan, pati si dating presidente Erap. Na­tuloy siyang nagpakasal kay Boyet de Leon pero hindi rin sila tumagal. Ngayon, sino ba ang permanent love team ni Nora?

Ang seksing si Alma Moreno ay sumikat din noon bilang love team ni Rudy Fernandez. Nagkaroon sila ng relasyon at isang anak, pero nagkahiwalay din. Naka-love team din niya sina Mang Dolphy at Joey Marquez.

Pagkatapos noon pumasok na ang unang Regal Babies, at ang ka-love team ni Dina Bonnevie ay si Alfie Anido. Ang totoo ay mag-syota na sila noon at kaya nga nakuhang artista si Dina ay dahil kay Alfie. Pero hindi rin sila nagkatuluyan. Napangasawa ni Dina si Vic Sotto, pero nahiwalay din.

Si Snooky ay si Gabby Concepcion ang talagang ka-love team. Pero mas sumikat si Snooky nang makatambal si Richard Gomez. Napangasawa naman ni Snooky si Ricardo Cepeda, pero nagkahiwalay sila. Nagpakasal siya ulit sa musician na si Nino Mendoza na nakahiwalayan niya rin. Ngayon ay sinasa­bing may ka-love team na naman siya, isang 60 year old non-showbiz boyfriend.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Very colorful ang buhay pag-ibig ni Maricel Soriano. Love team sila ni William Martinez, pero ang naging boyfriend niya noon at naka-live in practically ay si Ronnie Ricketts. Pero nagkahiwalay sila at nagpakasal kay Edu Manzano. Nagkahiwalay din sila. Nagkaroon siya ng anak sa isang boyfriend, si Cesar Jalosjos. Pero ang ending, wala pa ring permanent love team si Marya hanggang ngayon.

Si Sharon Cuneta naman, si Gabby Concepcion ang nauna at pinakamalakas niyang ka-love team. Pero naka-love team din niya sina Richard Gomez, Robin Padilla at iba pa. Naging boyfriend rin niya pareho sina Richard at Robin, pero bumag­sak siya kay Senator Kiko Pangilinan.

Katambal naman ni Gretchen Barret­to si Be­nedict Aquino, pero all for show iyon. Naging boyfriend niya si Joey Loyzaga, pero nagkahiwalay sila hanggang mapunta siya kay Tonyboy Cojuangco.

Si Nadia Montenegro naman, ang ka-love team ay si Albert Anido, pero for show lang din iyon. Later on ang naging boyfriend niya ay si dating mayor Boy Assistio.

Sumikat si Janice de Belen sa pagiging ka-love­team kay Gabby Concepcion at naging mag-syota sila talaga. Pero iniwan siya ni Gabby, na sumama kay Sharon Cuneta. Sila naman ni Aga Muhlach ang nagka-partner at nagkaroon ng isang anak. Tapos si John Estrada ang pinakasalan niya. Ngayon, sinasabing may iba na raw nanliligaw kay Janice.

Si Vina Morales naman ay naka-love team ni Keempee de Leon. Naging mag-on din sila for some time, pero pagkatapos ay naitambal din si Vina sa iba. Pagkatapos nun ay nagkaroon siya ng anak kay Cedric Lee.

Si Gellie de Belen ang unang ka-love team ni Raymart Santiago. Hindi maliwanag kung nanligaw nga ba si Raymart kay Gellie kasi bata pa naman sila noon. Pero bumagsak si Gellie kay Ariel Rivera.

Si Judy Ann Santos naman ay nag-click nang i-love team kay Wowie de Guzman. Tapos itinambal din naman siya kay Piolo Pascual. Mas nag-click sila ni Ryan Agoncillo dahil kasal na sila at forever na iyan.

Iyan namang si Claudine Barretto, ka-love team ni Mark Anthony Fer­nandez at naging mag-syota sila. Tapos naka-team niya si Rico Yan at naging mag-syota rin sila. Bumagsak siya kay Raymart Santiago na naging asawa niya pero hiniwalayan din niya.

Sa ngayon, ang pinakasikat na love teams ay sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ganoon din sina James Reid at Nadine Lustre. Parehong sinasabing real life love teams din sila, pero hindi gaya ng iba, hindi natin alam kung sila na nga ang magkakatuluyan.

Iyan ang love teams na sumikat noong kanilang panahon at pinag-usapan. Huwag na nating isali iyong mga love team-love team lang naman dahil hindi totoo.

Huwag magbibintang, wala kaming sinabi.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: