Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Rason sa paglayas ni Maine sa Bulaga, ibinuko ng manager!

Maine Mendoza

“No, Maine is not suspended,” sagot ni Mr. Antonio P. Tuviera sa tanong kung totoong suspended si Maine Mendoza sa Eat Bulaga kaya since December 1, hindi na siya napapanood sa longest running noontime show. “Humingi lamang siya ng bakasyon sa akin and since malapit na rin ang Christmas break ng show, pinayagan ko na siya.”

Naunang dumating sa presscon ng Meant To Beh, isa sa eight official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) si Bossing Vic Sotto ng M-Zet Productions at kasunod niya ang co-producer niya si Mr. T. ng APT Entertainment. Dumating din si Boss Orly Ilacad ng OctoArts Films, sila ang unang nakausap ng mga entertainment press sa Annabel’s.

Kahit si Bossing Vic, sinabi rin na hindi totoong suspended si Maine at nagbabakasyon lamang.

Huwag daw maniniwala sa mga intriga dahil wala naman itong katotohanan.  Kahit nga iyong baka mawala ang AlDub love team, hindi rin daw totoo iyon AlDub will stay, hindi na mabubura ‘yun.

Vic nanibago sa pagpapalit ng diaper

Kaya naging masaya ang chikahan kay Bossing Vic Sotto nang tanungin siya tungkol sa kanyang pagiging bagong Daddy kay Baby Talitha. Hindi ba siya nanibago?

“Medyo nga nanibago ako dahil ang tagal na rin namang walang baby sa bahay,” say ni Bossing.  “Marunong naman akong magpalit ng diaper, hindi nga mahirap ngayon dahil tape lamang ang gamit sa diaper di tulad noon na lampin talaga na gagamitan mo ng safety pins.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Wala rin kaming problema kay Baby Tali dahil napakabait na bata, hindi siya umiiyak, malalaman lamang naming gutom siya kapag medyo may sound kaming naririnig sa kanya.  Iyong nga lamang dahil breast feed si Pauleen sa kanya, medyo napupuyat siya.  Kapag umaga na kailangang paarawan si Baby Tali, ang yaya na niya ang nagpapaaraw sa kanya para makatulog si Pauleen kahit one of two hours.  Hands-on si Pauleen sa kanya, at hindi niya iniaasa sa yaya.”

So paano ang magiging Christmas nila ngayong may nadagdag nang isa pa sa fa­mily niya?

“Hindi kami aalis, dito lamang kami kasi maliit pa si Baby Tali para dalhin kung saan-saan. May kasabihan nga tayo na huwag ilalayo ang bata hanggang hindi pa siya nabibinyagan. Kahit pa naka-schedule na ang binyag niya, dito lamang kami sa bahay sa Christmas. Isa pa, mayroon na tayong festival entry kaya dapat asikasuhin ko iyon.

“I’m happy to be back, na-miss ko rin ang pag-join sa festival na hindi nangyari last year, kahit ang pagsakay sa parade.  Mabuti ngayon, malapit sa amin ang parade of stars, dahil sa Muntinlupa City ito gagawin.”

Sa full trailer, ibang concept naman ang ipakikita nina Bossing Vic at ni Direk Chris Martinez.  Wala na iyong mga special effects na dati niyang ginagawa sa movies na isinali niya sa festival.

“Naisip ko ring ipahinga muna ang special effects, hindi naman dahil ayaw ko nang gumawa ng mga ganoong klase ng pelikula, pero gusto ko naman ngayon na todo-saya ang ibigay namin sa mga manonood, napapanahong tema para sa millennials.  At thankful kami dahil binigyan kami ng G (General Patronage) ng MTRCB kaya kahit mga bata pa lamang pwedeng pumasok ng sinehan para panoorin ang Meant To Beh.”

Kasama ni Bossing sina Dawn Zulueta, Gabbi Garcia, Baeby Baste, Andrea Torres, JC Santos, Daniel Matsunaga, Thou Reyes. May special guest appearance sina Ruru Madrid, Sue Ramirez at maraming special guests, kasama sina Alden at Maine at ang mga sosyal na Lolas.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: