Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Robin hindi na nangingiming aminin ang ginawa ng dating asawa

Robin Padilla

Grabe Salve A., itong si Robin Padilla. He truly can be honest to a fault. Kahit pa tungkol sa kanyang sarili.

Sa katatapos na guesting niya sa Magandang Buhay, ‘di nangimi si Robin na sabihing si Liezl Sicangco, ina ng kanyang apat na anak, ang umiwan sa kanya.

Maaalalang si Liezl ang binanggit ni Sharon Cuneta sa isang interview, habang pino-promote nila ni Robin ang Unexpectedly Yours, ang siyang dahilan kung bakit nakipagkalas siya kay Robin na ka-on niya noon.

Nakarating nga raw sa kanya ang balitang buntis si Liezl noon at si Robin ang ama ng dinadala nito.

In any case, sa ‘iwanang’ namagitan sa kanila ni Liezl, labis daw niya itong iniyakan at dinamdam. Two years later nang nagtapo ang landas nila ni Mariel (Rodriguez), na misis na niya ngayon at ina ng kanilang panganay na si Isabella.

Nagtagpo sila sa programa ni Willie Revillame noon sa ABS-CBN, sa Wowowin.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

May promising career sa showbiz si Mariel noon pero tinalikuran niya ang lahat nang pakasalan niya si Robin.

Sobrang saya raw ngayon ni Robin dahil hindi lang maganda at ideal wife ang meron siya, dahil mahusay din ang pagpapalaking ginagawa ni Mariel sa kanilang unica hija.

Samantala, ang kanyang pinaka-panganay na si Camille Orosa-Padilla ay sobra palang Inglesera. Palibhasa laking U.S., dahil doon na namimirmihan si Leah Orosa, ang dating akres na ina ni Camille.

Ang kanya namang panganay kay Liezl na si Queenie, ay kasal na sa isang Pakistani at mayroon na rin silang isang anak. Isang true Muslim na si Queenie.

Si Kylie naman na second daughter niya kay Liezl ay kapapanganak lang sa panganay nila ni Aljur Abrenica.

Ang kanyang isa pang nakababatang anak kay Liezl ay naninirahan sa Australia kasama ang kanilang ina.

Vic wala nang iniisip para sa mga anak

Ideal dad naman sa kapapanganak lang na baby girl si Vic Sotto. Kapapanganak pa lamang ng kanyang misis na si Pauleen Luna kay Baby Talitha.

Pero dahil daw hindi pa nabibinyagan ang anak, ayaw muna nilang i-expose ito ng todo.

But where his elder children are concerned, makapagmamalaki rin si Vic. Parehong well-settled sa kanilang married life ang panganay niya sa first wife na si Dina Bonnevie.

Dalawa na ang anak ni Danica, na kasal sa top cager na si Mark Pingris. Si Oyo Boy naman ay ideal din ang marriage sa dating Kapamilya actress na si Kristine Hermosa.

Kakasal lang this year ng kanyang anak na si Paulina. And, of course, ang kanya namang anak sa TV host-actress na si Coney Reyes, si Vico, ay elected councilor ng Pasig City.

Of Vic, bale reunion project pala nila ni Dawn Zulueta after 20 years itong Meant To Beh, na entry ngayonng MMFF.

Maganda pa rin si Dawn. No wonder na nang naisip ni Vic na gawin ng itong Meant To Beh, ang naisip niyang katambal ay si Dawn agad.

Vic co-produced Meant To Beh with OctoArts Films, APT Entertainment and M-Zet, his own film firm.

Directed by Chris Martinez, pinagsamang Kapuso at Kapamilya talents ang iba pang members ng cast. From the Kapuso side, nariyan sina Andrea Torres, Gabby Garcia at Ruru Madrid.

Ang Kapamilya stars naman ay sina Daniel Matsunaga, Sue Ramirez at JC Santos. Plus Thou Reyes and five year-old Baste, na introducing sa movie.

By the way, it might be interesting to note na bagama’t taon ang binilang ng tambalang Vic-Dawn na Okay Ka Fairy Ko, Meant to Beh is their first movie team-up ever.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: