Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sec. Mark gustong maging transparent ang mga ginagawang project

Naiinggit si DPWH Secretary Mark Villar dahil matatapos na ang termino ng asawang si Emmie Villar bilang congresswoman. Hanggang Year 2022 pa kasi ang target completion ng malalaki niyang projects bilang Secretary na kanyang ipinakita sa Christmas treat nilang mag-asawa sa entertainment press.

Sumapi ang DPWH ngayon sa isang inter-agency task force na nais isakatuparan ang layunin ng Administrasyong Duterte na Build, Build, Build. Dahil sa nais maging transparent sa publiko, ginawa ang BBB Portal upang masubaybayan ng publiko ang projects ng kagawaran.

Maambisyon ang proyekto pero natutuwa si Sec. Mark dahil may plano nang gagawin at unti-unti na rin silang nakakakuha ng pondo. Pero once magkaroon ng katuparan, may pag-asa nang masolusyunan ang traffic sa Metro Manila lalo na sa EDSA, huh!

Ayon pa sa kanya, kada taun ay may makikita ang publiko ng maraming panibagong tulay, infrastructures at iba pang daan tungo sa Age of Infrastructure sa pamumuno ng nag-iisang Man of Action na si Mark Villar.

Dawn yummy pa rin ang tingin kay Vic!

Yummy pa rin para kay Dawn Zulueta ang dating ni Vic Sotto kahit na nga umeedad na ang kapareha niya sa filmfest movie nilang Meant To Beh. After twenty years, ngayon lang uli sila nagsama sa isang project at natutuwa ang aktres dahil pang-festival pa ito.

“It’s so refreshing na gumawa ng ganitong movie. Alam naman ninyo na mas sanay tayong gumawa ng drama.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Hindi pa rin nawawala ‘yung charm ni Vic. Saka lalo siyang guma­ling bilang artista!” pagmamalaki ni Dawn.

Nagbabalik nga si Bossing sa festival matapos mabakante last year. Pampamilya naman ang ginawa niya dahil napapagod din siyang gumawa ng fantasy films.

“Christmas for fa­mily kaya ito ang ginawa namin. Marami na rin akong festival movie na pawang fantasy kaya welcome ito sa akin na relatable ang istorya sa bawat Pinoy family,” saad ni Vic.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: