Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Say ni Sec. Villar, EDSA may pag-asang lumuwag!

Libro tungkol sa lupus ni Rep. Em Villar, sold out!

Stress free ang pakiramdam ni DPWH Secretary Mark Villar at ng kanyang misis na si Diwa partylist Representative Emmeline Aglipay-Villar sa tuwing nakakasama nila ang mga miyembro ng entertainment press.

Consistent ako sa pagsasabi na napakabait ng Villar family dahil hindi sila nakakalimot sa entertainment press. Katulad kahapon, kasama ng showbiz writers ang Villar couple sa early Christmas lunch.

Ipinakita ni Papa Mark ang mga bagong project ng DPWH na nakakamangha dahil kapag natapos ang construction ng mga kalsada at tulay, giginhawa na talaga ang buhay ng mga Pilipino sa Metro Manila at ng mga naninirahan sa probinsya.

Nang sabihin ni Papa Mark na may pag-asa pa na lumuwag ang traffic situation sa EDSA, naniwala ako dahil ipinakita niya ang mga solusyon na gagawin ng DPWH at ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte.

Hindi talaga nagkamali si Papa Rody sa appointment niya kay Papa Mark bilang secretary ng DPWH.

Ibinalita naman ni Mama Emmeline na sold out ang libro niya na Living Better with Lupus.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Si Mama Emmie ang author ng libro na selling like hotcakes sa mga bookstore dahil marami ang bumibili.

May lupus ang misis ni Papa Mark kaya advocacy nito na ma-educate ang mga Pilipino tungkol sa autoimmune disease na taglay niya noong dalaga pa siya.

Kung makikita ninyo nang personal si Mama Em, walang-wala sa physical appearance niya na may lupus siya.

May two-year old daughter sina Papa Mark at Mama Emmie. Kahit may lupus siya, hindi ito nangangahulugan na magkakarooon din ng lupus ang kanilang cute na anak na kasama nila kahapon sa Christmas Get Together.

Ellen prinsesang-prinsesa kay John Lloyd

Hindi puwedeng magsinungaling ang source ko tungkol sa yellow princess cut diamond engagement ring na ibinigay ni John Lloyd Cruz sa kanyang girlfriend na si Ellen Adarna.

Confirmed na worth P3 million ang singsing na natanggap ni Ellen mula kay John Lloyd na ang sarap-sarap pala na maging dyowa.

Can afford si John Lloyd na bumili ng expensive ring kaya never na pinagdudahan ko ang tao na nagkuwento sa akin.

Lalong kinainggitan si Ellen ng girls na nagpapantasya kay John Lloyd na naturally sweet lover. Ang suwerte talaga ni Ellen kay John Lloyd dahil feeling prinsesa siya sa yellow princess cut diamond engagement ring na gift ng “future hubby” niya.

Pelikulang kasama sa isang filmfest, pangit daw!

Disappointed ang mga nakapanood sa pelikula na kalahok sa isang film festival.

Overrated daw ang pelikula dahil hindi maganda ang pagkakagawa nito as in sana raw, ibang direktor ang namahala.

Hindi ko muna sasabihin ang title ng movie pero sure ako na mabilis na kakalat ang balita kapag  ipinalabas na ang pelikula sa mga sinehan.

Sa panahon ngayon ng social media, madali nang malaman ang sentiments ng mga tao tungkol sa  mga pelikula na napapanood nila. Prangka sa pagsasalita ang madlang-bayan dahil ang kanilang katwiran, nagbayad sila kaya karapatan nila na mag-emote.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: