^

Pang Movies

Alden at Maine noon pa may problema

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Alden at Maine noon pa may problema

Maine Mendoza

Masyadong apektado ang AlDub, ang fans nina Alden Richard at Maine Mendoza. Tutol sila sa kaganapan sa kanilang mga idol. Hindi raw sila papayag na maghiwalay sila. E, kasi balitang-balita na sooner or later ay mabubuwag na ang kanilang loveteam. Sa totoo lang parang may namumuong hindi maganda kina Maine at Alden, bagama’t walang nababalita.

May ganoon?

Anyway, diyan masusukat ang pagiging effective nina Alden at Maine kung sila ay ipa-partner sa iba. May plano raw kasi ang management na paghiwalayin muna ang dalawa.

JM hindi kinalawang ang galing at hitsura

Ang mga tagahanga naman ni JM de Guzman ang nagbubunyi dahil back to work na ulit ang kanilang idolo.

Napakagaling na artista ni JM pero for a while ay nawala siya sa limelight, na alam na ninyo ang dahilan. No need to elaborate para na rin huwag nang pag-usapan.

Ngayon sa pagbabalik niya sa showbiz, isang microfilm online ang pagsasamahan nila ni Jennylyn Mercado. Matagal din namin nakilala si JM na hindi lamang napakagaling na artista, in real life ay napaka-gentleman pa. Siguro ang nangyari sa kanya ay masasabing destiny.

Anyway, panoorin natin si JM kasi mas lalong good looking at lalong gumaling siyang umarte. Kasabihan kasi, anumang bagay ang pagdadaanan natin sa buhay ay lalong nagpapatibay at nagbibigay inspirasyon. Look, nagbabalik palang siya ay agad may offered job na at isang ultimate actress pa ang partner.

Azenith naayos na ang usapan sa hotel kung saan namatay ang mister

Again, isinama ako ng aking good friend na si Azenith Brionez sa isang very important walk niya na may kinalaman sa nangyari sa kanyang namatay na husband na si Eleuterio Reyes. Malaking balita ito noon, kasi big incident sa isang sunog na naganap sa isang sikat at malaking hotel. Anyway, Ok na ang usapan between the management and the family of Azenith.

Nakakalula talaga kasi, habang nag­la-lunch ay dumating ang dalawang friends ni Azenith, si Ms. Leslie, na napakagandang babae na artistahin pero mahiyain. E, bakit nga siya mag-aartista e, super rich siya?

The other woman naman ang siyang muntik nang mag-artista noon dahil barkada siya nina Annabelle Rama at Daisy Romualdez pero naunsyami raw kasi concentrated siya sa kanilang business na mga alahas.

At dito ako natulala sa mga rich kong ka-table na puro alahas ang usapan, mga bibilhin at mga tutubusin sa pawnshop. Take note, milyones at daang libo ang mga halaga. Naririnig ko lang, pero feeling rich din ako kahit tenga lang ang sa akin. Sarap maging rich! ‘Yung isang girl na tinutukoy ko na kasama nila na muntik nang mag-artista ay si Annabel Ledesma.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with