^

Pang Movies

Jennylyn patatapusin muna ng kolehiyo ang anak bago pakasal kay Dennis

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Dusa sa antayan

Masaya ang grand presscon ng isa sa official entries sa coming Metro Manila Film Festival sa December, ang All of You na balik-tambalan sina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay na sabi nila ay pinaka-sexy movie na nilang ginawa.

Sa tanong kung may nabago ba sa kanilang dalawa sa muli nilang pagtatambal dahil sa concept ng movie, sagot ni Jennylyn, ito na ang pinaka-todong daring love scenes na ginawa niya na sinunod nila ang script. Si Derek naman, mas serious daw ang movie nila ngayon at lot of sexy scenes, grabe raw ang kaseksihan ni Jennylyn. 

Pero puring-puri ni Jennylyn ang mai­ngat at maalagang si Derek sa kanilang love scenes. Ayaw na nilang magkuwento dahil mas maganda raw kung panonoorin na lamang sila simula sa December 25.

Balik-direction din si Dan Villegas sa kanila at ito raw ang pinakatotoong love story na nagawa niya. Naroon daw sa story na kapag pumasok ka sa isang relationship, ibibigay mo na ang lahat. At thankful si Direk Dan sa pagi­ging cooperative ng dalawa niyang bida.

Natanong din sina Derek at Jennylyn kung wala pa ba silang balak magpakasal dahil open naman na may girlfriend na si Derek at hindi na rin naglilihim sina Jennylyn at Dennis Trillo sa kanilang relasyon.

“I’m ready to get married,” sagot ni Derek. “Siguro, I’ll just find the right time sa pagpapakasal namin.”

“Hindi pa ako ready, marami pa akong gustong gawin sa buhay,” say naman ni Jennylyn.  “Maliit pa ang anak ko, kapag college na siya. Ang tagal pa, hahaha!”

Nagpasalamat nga pala kami kay Derek nang pumayag siya sa request namin na mapasok ang kanyang Instagram account na naka-private. Doon namin unang nakita ang teaser ng movie at ang kanilang love scene ni Jennylyn na shot in Taiwan.

Ang All of You ay produced ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso, MJM Productions, Globe Studios at Planet Media Productions.                                        

Martin nahawaan ng sakit si Yasmien

Muling susubok ang GMA 7 ng isang naiibang concept sa bago nilang afternoon prime drama series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka na sinimulang idirek ni Maryo J. delos Reyes at ngayon ay itinuloy ni Direk Neil del Rosario.

Tungkol ito sa HIV (Human Immunodeficiency Virus) na bago sila nagsimulang mag-taping, nag-attend muna sila ng ilang seminar tungkol dito para alam nila ang cause ng naturang sakit, na iba naman sa AIDS, para maging guide ng bumubuo sa cast na sina Ms. Gina Alajar, Yasmien Kurdi, Mike Tan, Martin del Rosario, Ina Feleo, Chari Pineda at marami pang iba. 

Excited nga sila dahil marami silang natutunan tungkol sa HIV.  Pahapyaw na kuwento ng serye, best friends sina Martin at Yasmien pero ni-rape ni Martin si Yasmien, not knowing na may HIV pala siya at nai-transfer niya ito kay Yasmien na naging asawa naman si Mike Tan at nagkaanak sila. Ang tanong, mata-transfer din ba ang HIV ni Yasmien sa anak nila ni Mike?

Nagsimula na silang mag-taping kahit early 2018 pa ang airing nila, kapalit ng afternoon prime drama na Haplos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with