^

Pang Movies

Mga dating presidentng KAPPT magsasama-samasa Shootfest...

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Mahalagang balita mula sa The Actors Guild of the Philippines sa ilalim ng pamumuno ni Imelda Papin and Board of Directors. Magkakaroon sila ng big event with a cause na tatawaging Philippine Shootfest Presidents Cup 2017 bilang tribute rin sa yumaong si Fernando Poe, Jr. (FPJ) at pagkilala sa matagumpay na pamamahala niya sa Actors Guild. Ang nasabing event ay gaganapin ngayong araw at bukas sa Armscor Ranges, Marikina City.

Mga pangunahing pandangal sina Sen. Grace Poe, Sen. Lito Lapid, PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa, Eddie Garcia, at lahat ng mga nakaraang president ng Actors Guild.

Ang kikitain ng event ay para sa medical insurance ng guild members sa Philhealth at Social Security System (SSS). Ang SSS at Actors Guild ay nagkaroon ng MOA signing last July 2017.

Pancho at Max siguradong maganda ang magiging produkto

Malapit na ring humarap sa dambana at magpakasal ang Kapuso stars na sina Pancho Magno at Max Collins. Siguradong super guwapo o ganda ng magiging anak nila. Singguwapo ni Pancho na napapanood sa GMA TV series na Haplos. Si Max naman ay marami ring nilalabasang Kapuso shows.

Congrats! Ganoon din kay VP for Drama na si Redgie Acuna Magno na mother ni Pancho.

Maria Isabel sablay ang ‘black magic’

Sobra kayong judgmental. Hindi na raw tumatalab ang hokus pokus ni Maria Isabel Lopez sa Haplos. Hindi na epektibo ang sumpa niya kay Sanya Lopez. Kasi, sabi ng mga malabigang homeviewers, kung bakit ba naman kasi kinalaban ng ex-beauty queen ang MMDA sa paglabag nito sa pagdaan sa ASEAN lane noong nakaraang ASEAN Summit.

Kung matatandaan, tuwang-tuwa siya nang makalampas sa trapik. Pero huli pa rin siya dahil bawal ang kanyang ginawa. Eh ano naman ang konek nun sa serye?

Anyway, kahit isang mangkukulam ang role niya sa Haplos, wala itong kinalaman sa pagkakatanggal ng kanyang driver’s license. Ginusto niyang gawin ang paglabag sa traffic rules kaya dapat niyang pagdusahan ang parusa sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with