^

Pang Movies

Sam at Angelica hinihiritan ng pelikula

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Ipinagmamalaki ni Sam Milby ang official music video ng kanta ni Moira Dela Torre na Malaya na ilang araw pa lang simula nang inilabas sa YouTube ay naka- 707,427 views na as of this writing.

Bale ba si Sam Milby at Angelica Panganiban ang mga artista ng music video na nakakakilig ang mga sweet moment at halikan na akala mo ay totoo ang mga eksena. Ang galing ni Sam umarte kaya mas lalong may kirot ang kanta. Ang sexy ni Angelica na siyempre ay mahusay sa kanyang pag-emote. Bagay sila ni Sam sa kanilang music video. Marami tuloy ang nag-request na fans na sana raw ay bigyan sila ng project magkasama dahil litaw na litaw sa music video ang chemistry nila.

Marami ang nag-iilusyon sa dalawa dahil hiwalay na umano si Sam sa girlfriend na si Mari Jasmine kay Angelica.

Nakakagulat din na si John Prats ang director ng music video ng Malaya na in all fairness, excellent ang pagkakadirek ng istorya, anggulo, background, as in perfect lahat ng detalye.

Hindi nagkamali si Moira na magtiwala kay John sa music video ng kanta nito. Deserve ni John Prats na bigyan pa ng maraming directorial job, super galing ng kanyang finished product sa nasabing music video.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with