^

Pang Movies

Alden nanguna sa pakikipagbakbakan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

No other than Ms. Mel Tiangco, host ng drama anthology ng GMA 7 na Magpakailanman ang humanga kay Pambansang Bae Alden Richards, nang hindi tumanggi ang actor na tanggapin ang mahirap na role ni PFC Jomillie Pavia ng Marawi Suicide Squad sa last episode na Kuwentong Marawi sa Mata ng Isang Sundalo, para sa 5th anniversary celebration ng show.

“Si Alden, nag-volunteer na guma­nap sa role ni PFC Pavia, nang malaman niyang gagawa kami ng Marawi episodes,” kuwento ni Ms. Mel.

“May soft spot kasi si Alden na gumawa ng mga bagay na makatutulong o makapagbibigay ng inspirasyon sa mga kapwa niya.  Ganoon si Alden, hindi siya arte-arte lang, ‘yun talaga ang nasa puso niya.  Kaya hindi na kami nagdalawang-isip na ibigay sa kanya ang role, pagbibigay-pugay daw niya sa mga kasundaluhan natin. Kaya isang napakalaking pagkakataon para sa amin sa Magpakailanman na siya ang gumanap sa true to life story ni PFC Jomillie Pavia. Maraming salamat Alden.”

Based nga sa ipinalalabas na trailer ng Mag­pakailanman sa mga programa ng GMA 7, maki­kitang hindi madali ang pagganap nila ng kapwa niyang actor na sina Ervic Vijandre at Phythos Ramirez sa mga eksena lalo na iyong nakikipaglaban sila sa mga kaaway. Two days silang nag-taping sa Baguio City at labis ang pasasalamat nila sa Philippine Constabulary na pinahiram sila ng mga tunay na sasakyang gamit sa giyera at pag-alalay sa kanila sa tamang paggamit nito. Whole day naman silang nag-taping ng war scenes sa kabundukan ng Cavinti, Laguna. Nag-post pa nga si Alden sa kanyang Instagram story kung saan nagti-taping pa sila ng gabi.

Kaya siguradong kung mahirap ang mga eksena ni Alden sa katatapos niyang Martial Law special na Alaala ng GMA News & Public Affairs, mas mahirap ang mga eksena niyang ginawa rito sa Kuwentong Marawi Sa Mata Ng Isang Sundalo, na mapapanood na mamayang gabi, pagkatapos ng Pepito Mana­loto.

QC LGBT Pride March idaraos

Si Quezon City Councilor Mayen Juico ang nag-preside sa launch at press conference sa muling pagho-host ng Quezon City sa QC LGBT Pride March (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) na isi-celebrate sa December 9, sa Tomas Morato sa Quezon City, na ginanap sa Pork @ Your Own Risk in Dr. Lazcano Street in Quezon City.

Muling magniningning ang venue sa araw na iyon na tinawag nilang Pride in QC: Safe and Free na magsasama-sama rito ang gays and straight communities sa Metro Manila, non-profit organizations, LGBT organizations, LGBT churches and individuals willing to show their pride and support to the community.

Sa hapon magaganap ang Gay Pride Parade at sa gabi naman ang malaking celebration na magtatanghal ang iba’t ibang LGBT groups. Isasara ang Tomas Morato St. Lahat ng gustong sumali ay mag-register online http://bit.ly/2ib2Guh. For details and more information, bisitahin ang Facebook page at www.facebook.com/qcpridemarch.

Kyline na-starstruck sa Biguel

Overwhelmed ang bagong Kapuso star na si Kyline Alcantara nang makasama agad siya sa new primetime drama series na Kambal, Karibal bilang si Cheska de Villa. Photoshoot pa raw lamang kasama na niya ang young love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Hindi raw niya alam kung ano ang gagawin niya dahil first time lamang niya sa GMA at bago ang lahat sa kanya. Seven years old pa lamang pala siya ay nasa Kapamilya network na siya. Tapos na raw ang contract niya kaya inilipat siya ng manager niya sa GMA. Ito raw ang new chapter of her life at na-starstruck daw siya kina Bianca at Miguel, na very natural daw kung kumilos.

Sa Monday, November 27, mapapanood na ang Kambal, Karibal after ng Super Ma’am.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with