^

Pang Movies

Carmina ibinukong parang old friends sina Zoren at BB nang magkita

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

After ng last guesting ni Carmina Villarroel sa Super Ma’am, diretso na siya sa paggawa ng teleserye sa bagong primetime drama series na Kambal, Karibal.

“Ako rito ang totoong nanay ng kambal na gina­gampanan nina Bianca Umali at Pauline Mendoza. Noong una ay parang nangangapa pa ako pero siguro dahil nanay naman ako talaga at may anak na kambal. Medyo nanibago lang ako roon sa mga eksenang buntis ako, dahil malaki talaga ang tiyan ko dahil kambal nga sila. Pero later on, naka-adjust na rin ako, then dumating naman ang mga pagsubok sa akin at sa pagsa­sama ng asawa ko (Alfred Vargas),” pagkukuwento ni Carmina tungkol sa kanyang role sa magsisimulang primetime series ng GMA 7.

Masaya rin ang actress dahil muli niya naka­trabaho si Tita Glo (Gloria Romero) at reunion din daw nila ito ni Jean Garcia na nakasama niya noon sa Pahiram Ng Isang Ina. “Si Miguel (Tanfelix) nakasama ko sa unang Mulawin. Then first time kong makasama si Bro. Bo, Christopher de Leon at first time ididirek ni Don Michael Perez,” dagdag niyang kuwento tungkol sa kanyang mga katrabaho.

 Tinatapos na raw nila ang pilot week sa Batangas dahil magsisimula na silang mapanood next week.

Biniro si Carmina tungkol sa pagkikita nila ni BB Gandanghari sa isang mall sa Makati, kasama pa raw niya noon si Zoren Legaspi at kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy.

“Yes, nagkita kami sa gym, at sila nga ni Zoren ang mas nagtsikahan. Parang old friends lamang. Ako naman, kung saan siya maligaya, whatever makes him happy, sige lang. Wala naman siyang inapakang tao nang gustuhin niyang maging ganun.”

Ang Kambal, Karibal ay mapapanood na sa Monday, November 27, pagkatapos ng Super Ma’am

Korean actor na si Andy Ryu payag na matagal sa ‘Pinas

Maiipit sa dalawang Korean actors sa My Korean Jagiya si Heart Evangelista. Dumating na kasi sa bansa si Andy Ryu at nagsimula na silang mag-taping. Kaya kagabi ay nakita na ang unang eksena ni Andy as Goong Woo, na isang actor sa Korea na lahat ng projects na tinanggihan ni Jun Ho (Alexander Lee) ay siya ang nakakuha. Dumating siya kunwari sa Pilipinas para mag-shoot ng movie niyang Bus To Busan at magkikita sila ni Jun Ho.

Personal na raw silang magkakilala ayon sa sagot niya sa kanyang interpreter. Kahit si Song Joong-ki ay kilala rin ni Andy dahil nagkasama sila sa acting aca­demy sa Korea. Kung sakali raw may offer ang GMA na TV contract, puwede raw niyang tanggapin pero need muna niyang mag-aral ng English dahil hindi siya tulad ni Xander na marunong mag-English.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with