^

Pang Movies

Walk of Fame may karapatan mamili sa mga gustong bigyan ng star!

ISYU AT BANAT - Pang-masa

Natawa kami sa mga tanungan. Bakit daw nilagyan na naman ng star sa Walk of Fame si Jake Zyrus, eh noon pang 2010 inilagay na ang isang star ni Charice Pempengco at iisa lang naman siyang tao. Sabi pa nila, ok lang iyong Charice noon dahil may accomplishments, eh ano ba ang nagawa na niyang si Jake Zyrus para bigyan ng isa pang star?

Kung pag-aaralan mong mabuti, parang awards lang din iyan eh. Sino ba ang makapagkuwestiyon sa isang award giving body kung gusto nilang may mag-tie sa kanilang award? Sino rin ba ang makakakuwestiyon sa kanila kung paulit-ulit nilang bigyan ng award ang iisang artista taun-taon kagaya nang ginagawa ng isang iskuwelahan sa Pangasinan.

Hindi rin namin alam kung ano ang katuwiran ng kanilang selection committee at binigyan ng isa pang star sa Walk of Fame si Charice Pempengco, pero kung kami, hindi na kami magtatanong kasi karapatan nila iyon eh. Sila ang nasa committee. Magtatanong kami halimbawang sabihin nilang hindi qualified sa dalawang star si Rustom Padilla at BB Gandanghari dahil iisa lamang siya. Mayroon na ngayong batayan, dahil bakit si Charice Pempengco inulit nila?

Kung kami ang tatanungin, at ito ay personal naming opinion, ang legal na pangalan niya ay Charice Pempengco. Tama ang unang star. Ang Jake Zyrus, alyas at natural hindi legal iyan. At saka totoo naman wala pang napapatuna­yan si Jake Zyrus maliban sa mga concert na hindi naman mas­yadong naging hit, at napin­tasan pa dahil pumipiyok na ang boses niya dahil sa tinutunggang hormones. Pero iyong karapatan ng committee na pumili, sila ang bahala roon.

Kanila naman ang Walk of Fame. Hindi naman tayo kasali riyan. Hindi naman pera ng bayan ang ginagamit para ilagay ‘yan. Kaya iyong desisyon ng isang samahang pribado, kanila iyon.

May mga award nga riyan, nakaka­suka ang desisyon eh, pero kanila iyon eh. Bahala sila.

John Lloyd at Ellen wala sa hitsurang pakakasal

Pakasalan nga kaya ni John Lloyd Cruz si Ellen Adarna ngayong sinasabing dina­dala ng sexy actress sa sinapupunan ang anak niya? May mga kaibigan silang naniniwala na sooner or later ay tiyak daw na pag-uusapan na rin ng dalawa ang kanilang ka­sal, lalo na nga’t magkakaroon na sila ng anak.

May naniniwala namang maaaring magsama sina John Lloyd at Ellen nang hindi nagpapakasal. Sinasabi nga nilang ang dala­wa ay kapwa liberal ang mga ideya tungkol sa pagpapakasal, at may palagay silang hindi naman nila papansinin ang res­ponsibilidad na legal ng isang kasal. Sinasabi pa nga nilang ang pagkakaroon ng anak ay hindi batayan para sa habang buhay na pagsasama.

Tama naman iyon. Hindi maaaring ituwid ng isa pang pagkakamali ang isang nau­nang mali. Maling pasukin ang pagpapakasal dahil lamang sa nagkabuntisan na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with