^

Pang Movies

Daniel nakakatakot ang karanasan sa loob ng eroplano!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Daniel nakakatakot ang karanasan  sa loob ng eroplano!

Daniel Matsunaga

Scary ang karanasan ni Daniel Matsunaga sa loob ng eroplano dahil ninakaw ang kanyang bag na naglalaman ng mga importanteng dokumento.

Wala na talagang safe na lugar dahil pati ang mga pasahero ng eroplano, walang assurance na hindi matsutsugi ng mga magnanakaw ang kanilang personal belongings.

Paano nangyari ‘yon? Pare-pareho kayong pasahero, international flight nanakawan ka? Wow, scary ‘di ba? ‘Di bale sana kung nakababa na kayo mula sa eroplano pero habang nandoon sa itaas, mananakawan ka?

Hindi naman first time traveler si Daniel dahil madalas siya na bumibiyahe dahil part ito ng kanyang work bilang international model. Ang difference lang, mas kilala ngayon si Daniel dahil artista na siya.

Hay naku, dapat na doble ingat tayo kapag sumasakay sa eroplano. Kami pa naman ni Salve A., always sleeping sa long flights.

Mahigpit ang mga flight attendant dahil gusto nila na, nakalagay sa cabin compartment ang lahat ng hand-carried bags. Ano ngayon ang proteksyon na maibibigay nila sa mga pasahero na nawalan ng gamit habang nasa loob ng eroplano?

As of presstime, nagreklamo na si Daniel sa management ng airline company pero waiting siya sa aksyon na gagawin.

Malaking abala kay Daniel ang nangyari dahil important papers ang nawala. Kung may CCTV sa loob ng eroplano, baka matukoy agad kung sino ang nagnakaw ng bag ni Daniel pero ito na rin ang nagsabi na walang CCTV sa aircraft na kanyang sinakyan.

Christian Louboutin napabilib sa mga painting ni Heart

Fan si Heart Evangelista ng mga sapatos na creation ni Christian Louboutin kaya dream come true para sa lead actress ng My Korean Jagiya na nakilala niya nang personal at maging dance partner pa ang sikat na French designer nang magkita sila sa Philippine Tatler Ball noong November 19 na nasundan ng dinner kinabukasan.

I’m sure, bilib na bilib din si Christian kay Heart dahil nakita niya ang mga painting ng aktres, pati na ang mga Hermes bag na binigyan ng bagong look ng misis ni Senator Chiz Escudero.

Nagpalitan ng cellphone numbers sina Heart at Christian kaya hindi malabo na maging BFF na sila, lalo na’t parehong mga artista ang dala­wa.

Star ni Jake Zyrus ‘di na raw makatarungan!

May tanong ang madlang-bayan sa organizer ng Walk of Fame Philippines. Bakit binigyan pa ng star si Jake Zyrus eh nabigyan na siya ng bituin sa Walk of Fame 2010 noong Charice Pempengco pa ang name niya?

May katwiran na magtanong ang sambayanang Pilipino dahil one and the same person sina Jake at Charice. Ang kaibahan lang, transgender man na nga­­yon si Jake at kiyeme-kiyeme na girl pa si Cha­rice nang makatanggap ito ng star sa Walk of Fame noong 2010.

Wala ako sa posisyon para sagutin ang intriguing question ng concerned citizen dahil tinanggihan ko ang offer na magkaroon ng star sa Walk of Fame noong nakaraang taon dahil ang feeling ko, hindi ako deserving. May ibang mga artista na karapat-dapat na mabigyan ng recognition pero naiitsapuwera.

May mga nag-comment pa nga na kung hindi pa siguro namatay si Isabel Granada, hindi ito mabibigyan ng star sa Walk of Fame. Noong nabubuhay pa si Isabel, isa ito sa mga nagtanong kung kailan siya mapagkakalooban ng bituin sa project na inumpisahan ni German Moreno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with