Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Korean actor na si Andy Ryu kinakabahan sa ‘Pinas

May bagong “oppa” na pagkakaguluhan ang fans ng GMA primetime teleserye na My Korean Jagiya.

Bukod kay Alexander Lee, dagdag na sa cast ang Korean actor na si Andy Ryu or Ryu Sang Wook.

Si Andy ang gaganap na bagong third party sa relasyon nina Gia (Heart Evangelista) at Jun Ho (Xander Lee) bilang si Gong Woo.

Magiging translator na kasi si Gia sa mga Korean at dito niya makikilala si Gong Woo.

Ayon pa sa translator ni Andy, first time niyang gumawa ng isang TV show sa ibang bansa kaya kinakabahan siya.

“Kinakabahan po talaga siya ngayon dahil first time lang po niya mag-shooting overseas, though he worked in many dramas in Korea, it’s his first time to do such work in the Philippines as well. So very excited at very nervous at the same time.”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kabilang sa mga nagawang Koreanovelas ng 32-year old actor sa Korea ay ang Cinderella Man at Queen Seondok.

Happy rin daw si Andy na mami-meet na niya ang Pinoy fans niya.

Jean nag-ampon!

Balik sa kanyang pagiging kontrabida si Jean Garcia sa bagong primetime teleserye ng GMA 7 na Kambal, Karibal.

Matagal ding hindi gumawa ng kontrabida role si Jean kaya parang nanibago na naman siya.

“Matagal-tagal akong hindi nagkontrabida. ‘Yung last ko was Pinulot Ka Lang Sa Lupa, mabait ako roon, ‘di ba?

“Ngayon nag-adjust ulit ako. ‘Yung role ko rito, palengkera na mukhang pera. Pati ‘yung paraan ng pananalita ko, iniba ko.

“Kaya nag-enjoy ulit ako. Parang bumalik lang ulit si Madame Claudia!” tawa pa ni Jean.

Nagkuwento pa si Jean tungkol sa mga plano ng kanyang anak na si Jennica Garcia at ng mister nitong si Alwyn Uytingco.

“Balak nilang bumili ng farm lot sa Siquijor. Gusto nilang magtayo ng isang organic garden.

“Nagustuhan nila roon kasi ang daming puwedeng itanim.

“Kaya pinag-iisipan na nilang mag-relocate roon kasama ang apo ko.

“Siyempre, bilang ina at lola, ayoko ring malayo sila sa akin. Pero buhay naman nila ‘yan at sila ang magdedesisyon. Ako naman, suporta lang ako sa mga gusto nila,” sey ni Jean.

Ipinakita rin ni Jean ang inampon niyang baby girl na si Jessica.

Anak daw iyon ng kapatid niyang lalaki at inabandona ito ng ina. Kaya si Jean na ang nag-aayos ng papers para ma-adopt niya ito legally.

“May anak na kasi si Jennica, tapos si Kotaro malaki na rin. Wala na akong mabe-baby.

“Eh itong si Jessica noong dumating sa buhay ko, lakas makabata sa akin. Na-miss ko ang may inaalagaan ako na baby kaya ayan, nag-ampon ako ng pamangkin ko,” pagtatapos pa ni Jean Garcia.

JM nakapila na ang gagawing pelikula!

Ready na raw magbalik sa showbiz si JM de Guzman pagkatapos ng dalawang taong pamamahinga.

Inamin na noon ni JM na may bipolar disorder kaya nauwi ito sa pagiging depressed at pagkakaroon ng panic attacks.

Nag-post si JM sa kanyang IG account ng isang certificate na nagpapatunay na “substance-free” na siya for two years.

Maraming netizens ang naka-miss kay JM kaya marami ang nag-welcome sa kanyang pagbabalik sa pag-arte.

Ang unang pelikulang gagawin ni JM ay mula sa TBA Studios na pinamamahalaan ni Mr. Eduardo Rocha.

Ang TBA Studios ang nag-produce ng indie films na Heneral Luna, Birdshot, Bliss, at ang Goyo: Ang Batang Heneral.

Balak nilang gumawa ng sequel ng hit hugot film ni JM with Angelica Panganiban na That Thing Called Tadhana.

Ang isa pang movie offer kay JM ay isang love story-road trip movie set in Cambodia.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: