Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

That’s My Bae members may inggitan

That’s My Bae

Thankful ang boy group ng Eat Bulaga na That’s My Bae nang sila ang kunin ng Heroes Barbers, a provider of excellent grooming services bilang endorser. Last Tuesday ginanap ang contract signing between the company, That’s My Baes Tommy, Kim, Miggy, Jon, Kenneth and Joel together with Mr. Rams David, head of Triple A. Tinawag silang AmBAEssadors for Heroes Barbers.

Sa ngayon ay apat pa lamang ang branches nila sa San Pablo City, Tagaytay, Binondo, at soon sa E. Rod­riguez, Quezon City, franchised ni Rams na open kasi for franchise.

Natanong ang mga Baes kung vain ba sila, especially pagdating sa buhok.

“Hindi po naman sa vain na kami, pero gusto po naming maging role model na maging maayos kami sa pagharap sa mga tao, lalo na kung umaatend kami ng events, tulad ng araw-araw kaming napapanood sa Eat Bulaga.”

Ipinaalala rin ng Heroes Barbers na may ser­vices sila for the ladies, lalo na kung sinasamahan nilang magpa-groom ang kanilang husbands and boyfriends.

After the contract signing natanong namin ang mga Baes kung may inggitan ba sa kanila na sina Kenneth at Miggy lamang ang nakasama sa pinag-uusapan nang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies na nabigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Hindi po mawawala na magkaroon,” sagot ni Kenneth. “Pero mayroon po kaming pagkakaisa sa grupo na kung ano ang chance na dumarating sa bawat isa sa amin, para sa amin ding lahat iyon, kaya suporta po lamang kami sa isa’t isa, tulungan kami.”

“Aware po kami na hindi puwedeng lagi kaming magkakasama,” sabi naman ni Miggy. “Darating din ang chance naman ng iba sa amin na makagawa rin ng movie.”

Si Kim ay matagal-tagal na ring mainstay ng Sunday PinaSaya at regular pa rin silang nasa Eat Bulaga araw-araw.

Maine nagsalita na sa pang-iisnab ni Gabbi

Nilinaw na ni phenomenal star Maine Mendoza nang makausap siya sandali sa premiere night ng Trip Ubusan... na hindi siya inisnab ni Gabbi Garcia sa Bench Under the Stars fashion show. Siya man daw ay marami ring kausap lalo na at first time niyang nakausap ang Kapamilya stars tulad nina Julia Barretto, Kim Chui, Kathryn Bernardo. Noon din daw lamang niya nakita muli nang personal si Richard Gutierrez.

Willing din si Maine na muling rumampa if ever. At thankful siya sa support ng Bench at fans.

Napag-alaman namin na bukod sa guesting nila ni Alden Ri­­  chards sa GMA Christmas Special, maggi-guest din siya sa isang episode ng Daig Kayo ng Lola Ko hosted by Ms. Gloria Romero every Sunday evening sa GMA 7.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: