Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Paolo walang nasabing masama kay Christian!

Paolo Ballesteros

Nakita ko ang magandang ugali ni Paolo Ballesteros sa presscon ng Barbi, D’ Wonder Beki dahil hindi siya nagsalita laban kay Christian Bables.

Walang sinabi na masama si Paolo tungkol kay Christian na naging nega ang image dahil sa betrayal na ginawa niya sa producer at direktor na si Jun Lana.

Naging close sina Paolo at Christian nang gawin nila ang Die Beautiful. Si Christian ang gumanap na BFF ni Paolo at nagkaroon siya ng mga acting award dahil sa pagganap niya sa award-winning movie ni Jun.

Nang tanungin tungkol kay Christian, hindi nagkomento si Paolo, kahit alam niya ang true story dahil nagkakausap sila ni Jun.

Malaki ang utang na loob ni Paolo sa mag­dyo­  wang Jun at Perci Intalan kaya tinanggap agad niya ang offer na umapir sa Born Beautiful na pinagbibidahan na ni Martin del Rosario.

Barbi inaasahang papatok

May pa-cake ang mga produ ng Barbi, D’ Wonder Beki para kay Paolo dahil magdiriwang ito ng 35th birthday sa mismong opening day sa mga sinehan ng pelikula niya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Bongga ang cake na ipinagawa ni Boss Orly Ila­cad ng OctoArts Films dahil image ni Barbi ang cake. Gandang-ganda at tuwang-tuwa si Paolo sa cake na napapaligiran ng mga cupcake na may i­mage niya as Barbi.

Siyempre, kinantahan namin si Paolo ng birthday song at kahit hindi tanungin, obvious na ang box-office success ng Barbi ang birthday wish niya.

Sa Lunes, November 27, ang red carpet premiere ng Barbi sa SM Megamall Cinema. Mag-expect tayo na full support kay Paolo ng mga kasamahan niya sa pelikula at sa Eat Bulaga.

Asahan din natin na pinaghahandaan ni Paolo ang premiere night ng Barbi, D’ Wonder Beki dahil may naisip na siya na look para sa pag­rampa niya sa SM Megamall.

Rachel pataas nang pataas ang boto

Grabe ang mga nababasa ko na suporta ng mga kababayan natin at ng mga artista kay Rachel Peters, ang bet ng Pilipinas sa Miss Universe 2017.

Ngayon ko lang nakita ang matindi na pagsa­sanib-puwersa ng mga Pilipino para makatiyak na magkakaroon si Rachel ng malaking tsansa para makuha ang Miss Universe crown.

Patuloy na tumataas ang online votes para kay Rachel kaya sure na sure na mapapansin siya ng mga hurado ng Miss Universe.

Isa si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa jud­ges. Nakakatiyak si Rachel na bibigyan siya ni Pia ng moral support.

Sina Anne Curtis at Maine Mendoza ang dala­wa sa local stars na hinihingi ang suporta ng lahat para kay Rachel.

Kung matatandaan ninyo, personal na hiningi ni Pia ang suporta ng AlDub nation sa laban niya sa Miss Universe 2015. Hindi nabigo si Pia dahil siya ang umani ng pinakamataas na bilang ng mga boto at kahit pumalpak si Steve Harvey sa announcement ng winner, ang Philippine representative ang nag-uwi ng pinakaasam at mailap na Miss Universe crown.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: