Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Mga Pinoy walang pahinga sa computer, Rachel lamang na sa botohan sa social media!

Rachel Peters

True nga, ang liit ng venue ng preliminary round ng Miss Universe na napanood sa Internet. Parang maganda pa nga ‘yung ballroom ng mga hotel natin.

Samantalang nang isagawa sa bansa ang competition last year, animo’y isang national event sa laki nang paghahanda ng buong bansa.

Kaya siguro inalok uli na dito ‘yun sa Manila ganapin na inayawan na ng Department of Tourism ayon sa mga naglabasang balita noon.

Ang good news lang doon, maganda ang ipinakitang performance ng pambato nating si Rachel Peters kaya patuloy ang suporta ng mga kababayan na sa pagboto sa social media kaya naman kung ang digital votes ang usapan, winner na ang ating panlaban.

Ninety two silang maglalaban-laban.

Piolo Pascual

Piolo may inilantad na anak!

Parang gusto na ring magka-baby ni Piolo Pascual.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kahapon ay nag-post siya ng photo kasama ang isang baby. “My baby love’s third photoshoot,” part ng caption ng actor.

Kaya naman nagtanungan agad ang followers kung kaninong anak ‘yun. O baka naman daw anak din niya na itinago lang ng actor tulad kay Inigo noon.

Siyempre wala pang sagot si Papa P kung para sa commercial o TV show ang nasabing pictorial with a cute baby boy.

Sana nga magkaanak na siya. Pero siyempre bago siya magkaanak, mag-girlfriend muna siya. Eh to date, wala naman tayong nababalitang may ka­relasyon ang actor.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: