^

Pang Movies

Jessa kopyang-kopya ng anak!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Jessa kopyang-kopya ng anak!

Jessa, Jayda at Dingdong

Bago matapos ang taon ay magpapasalamat ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza sa kanilang fans para sa concert ng dalawa na may pamagat na 20/30 na gaganapin sa Resort World Manila sa December 8, 21017.

Ang kanilang mga tagahanga nga naman ang dahilan kaya sa loob ng 20 years ay tinatangkilik pa rin ang mga musika ni Jessa. Ganundin si Dingdong na nagdiriwang ng ika-30th sa music industry.

Asahan na magiging ang concert ng mga-asawa dahil bibirit sila nang best hits nila na tumatak na sa mga tao.

Thankful ang certified hitmakers na mag-asawa na hanggang ngayon na nire-request pa rin ng fans ang kanilang mga kanta na tinaguriang original hugot songs.

Ngayong talent na sina Jessa at Dingdong ng Star Music, promise nilang lalo pang palalawakin ang OPM sa pamamagitan ng gagawin nilang magkahiwalay na album.

Proud ang couple na guest sa kanilang 20/30 concert ang talented din nilang anak na si Jayda na gumagawa na ng sariling style at pangalan sa pagkanta.

Feeling honored si Jayda kapag nire-request ng ibang tao na kantahin niya ang mga hit songs ng ina. Kung marami nga ang gumagaya sa boses at style ni Jessa sa mga kanta nito gaya ng Bakit Pa higit na kuhang-kuha ito ni Jayda, kahit pa nga may sarili rin siyang istilong ginagamit kung pag-awit ang pag-uusapan.

Siyempre sino pa ba ang magmamana ng korona ni Jessa kung hindi ang kanyang anak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with