^

Pang Movies

Bagong Miss World, ayaw mag-Bollywood

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Bagong Miss World, ayaw mag-Bollywood

Miss World 2017 Manushi Chhillar

Seventeen years ang hinintay ng India bago nila ulit mauwi ang korona ng Miss World.

Naiuwi ulit ni Miss India Manushi Chhillar ang Miss World 2017 crown noong nakaraang November 18 at tinalo nito ang higit sa 108 candidates sa buong mundo sa Sanya City Arena in Sanya, China.

Ang huling nag-uwi ng Miss World crown sa India ay ang Bollywood actress at bida ng US series na Quantico na si Priyanke Chopra. Napanalunan niya ang Miss World noong 2000.

Ang mga nakalaban sa huli ni Miss India ay sina Miss England (2nd princess), Miss Mexico (1st princess) at sina Miss France at Miss Kenya.

Parehong doctor ang mga magulang ni Manushi at nag-aral ito sa St. Thomas School in New Delhi and Bhagat Phool Singh Government Medical College for Women in Sonepat.

Kumpleto ang buong pamilya ni Miss India noong gabi ng Miss World kaya masayang-masaya sila nang uma­bot ito hanggang sa makoronahan na.

Ang winning answer ni Miss India sa question niya na “Which profession deserves the highest salary and why?”

“I think a mother is of the highest respect. I don’t think its just about cash but the love and respect she gives to someone. She is the biggest inspiration in my life. Mothers should get the highest respect.”

Sa preliminary interviews pa lang, maganda na ang performance ni Miss India kaya ang hangad niyang manalo bilang Miss World ay natupad.

Maraming mga beauty titlists from India ay naging Bollywood stars pagkatapos ng kanilang reign tulad nina Aishwarya Rai, Sushmita Sen, Priyanka Chopra and Lara Dutta.

Pero iba raw ang plano ni Chhillar.

“I disagree with the notion. I feel that Miss India is a stepping stone for anything you want to do, not just Bollywood.”

Sinakripisyo rin ni Chhillar ang kanyang isang taong pag-aaral sa medical school para lumaban sa Miss India. Idol nga raw niya si Reita Faria, ang kauna-unahang Miss World from India noong 1966.

Gerald nangangarap maging Aladdin

Nagbalik pansamantala ang singer and theatre actor na si Gerald Santos mula sa kanyang British and Irish tour ng Miss Saigon.

Kung maaalala ay nakapasa ang dating champion ng Pinoy Pop Superstar sa auditions niya para sa Miss Saigon at nakuha niya ang role na Thuy. Nakasama si Gerald sa tour ng Miss Saigon sa U.K. at Ireland.

Ngayon ay naka-break si Gerald sa Miss Saigon at dalawang linggo siyang maglalagi rito sa Pilipinas bago siya bumalik sa kanyang tour.

Nagpapasalamat si Gerald sa suporta ng maraming Pinoy na based sa U.K. dahil tuwing may pagtatanghal sila ng Miss Saigon, hindi nawawalan ng Pinoy sa audience.

Ngayon daw ay may mga nagbubukas na ibang opportunities para kay Gerald sa West End London. Maraming nang-iimbita sa kanya na mag-audition para sa iba’t ibang musicals roon.

“May mga dream roles akong gustong ma-play like sa Les Miserables, like Marius or I want to play Aladdin also.

“Marami pong puwedeng pasukan. Sa Wicked. So let’s see what the future holds,” simpleng sagot lang ni Gerald Santos.

Lovely hindi nakaranas ng pambabastos!

Thankful ang komedyante na si Lovely Abella na hindi niya naranasan ang ma-harass noong nagsisimula pa lang siya bilang isang dancer sa isang TV show.

Panay sexy nga raw ang mga suot ni Lovely noon pero wala naman daw nagtangkang mambastos sa kanya noon.

“Hindi ko po alam kung bakit wala? Hindi yata nila ako type!” malakas na tawa ni Lovely.

“Siguro marunong lang akong alagaan ang sarili ko kaya walang nagtangkang halayin ako.

“Tsaka hindi ko rin naman gusto ang gano’n na pagkakatiwalaan mo tapos may ibang balak pala sa iyo.

“Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko kaya walang gustong sumubok na bastusin ako noon.”

Tinanong namin kung nasa plano na ba nila ng boyfriend niyang si Benj Manalo ang magpakasal? Sey ni Lovely, pinag-iipunan pa lang daw nila iyon.

“Madaling magpakasal po, pero mahirap pag-ipunan.

“Nagtutulungan naman po kaming dalawa. Saka marami pa kaming gustong gawin. Pareho po kaming may career na inaasikaso at gusto rin naming ihanda ang mga anak namin sa mga puwedeng mangyari sa relasyon naming dalawa.

“Ang importante po ay nandiyan kaming da­lawa para sa isa’t isa at ‘yung walang iwanan,” ngiti pa ni Lovely.

Isa sa pinaka-busy na komedyante ngayon sa TV si Lovely. Bukod sa Sunday Pinasaya, napapanood pa siya sa Bubble Gang at ngayon ay introducing siya sa pelikulang Trip Ubusan: The Lolas Vs. Zombies.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with