Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ellen sa new year pa balak umamin?!

Ellen Adarna

Lumapad at biglang laki ang tiyan

Nagbigay na ng pahayag ang manager ni Ellen Adarna na si Pia Campos hinggil sa isyung buntis umano ang seksing aktres at si John Lloyd Cruz daw ang ama.

Ayon sa statement na ibinigay ng manager sa TV Patrol, si Ellen daw dapat ang magbigay ng pahayag tungkol dito pero sa kasalukuyan daw ay masaya naman ang kanyang alaga.

“At the moment, I can assure you that Ellen is well and happy. And if there are rumors to be admitted or dispelled, it’s her story to tell when she is ready to do so,” ang saad sa official statement na inere ng TV Patrol last Monday.

Ayon naman sa TV Patrol, may source sila na nagsabing depende pa raw sa mga advertising contracts ni Ellen na magtatapos ngayong Bagong Taon ang magiging rebelasyon ng sexy actress if ever.

Nakasaad daw kasi sa mga kontrata nito na bawal magbuntis sa loob ng panahong nakakontrata ito.

Bago pa napabalitang buntis si Ellen ay may naba-blind item nang mukhang preggy ang isang aktres dahil medyo malaki ang tummy nito.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nang hindi rumampa si Ellen sa Bench fashion show last Saturday, dito na pumutok ang balitang nagdadalang-tao nga siya.

Bukod dito, may ilang videos din sa Instagram fan page ng aktres na kahit malabo ang kuha, makikitang medyo nag-iba ang kanyang hitsura at laging baggy clothes ang suot niya.

Hashtags member na pumalag kay Joey, walang pagsisisi

Walang pinagsisisihan ang Hashtags member na si Paulo Angeles sa pagsagot niya kay Joey de Leon hinggil sa “dead sea” post nito sa Instagram just few days ago.

Matatandaang nag-post si Joey ng “nuknukan ka na ng katangahan pag sa DEAD Sea nalunod ka pa!”

Marami ang nag-akala na ang pinatutungkulan ni Joey sa tweet niya ay may kinalaman kay Hashtag Franco na as we all know ay nasawi nang malunod ito sa Davao Occidental noong Nov. 11.

Hindi napigilan ni Hashtag Paulo ang sumagot sa post ni Joey at matapang niyang komento, “tanda mo na, bastos ka pa. Wala akong pake kahit sikat ka, Mga joke mo wala sa lugar. Sobrang bastos mo.”

Kahapon ay nakausap namin si Hashtag Paulo sa shooting ng indie film na ginagawa niya under SMAC Productions, ang A Lasting Love to Remember at dito ay natanong namin siya tungkol sa nangyari.

Ayon sa bagets, wala raw siyang pinagsisisihan sa ginawa niya at pinaninindigan niya ang kanyang tweet.

“Bastos naman po talaga ‘yun (ang tweet). Siyempre, nakakabastos. Nandu’n kami sa time na nagluluksa kami, alam mo namang nagluluksa kami, tapos mag-aano ka pa ng ganu’n,” sabi ni Paulo.

Aminado siyang napakarami ring nang-bash sa kanya sa sagot niyang ‘yun pero hindi naman daw niya talaga iniintindi ever since ang mga bashers.

Napagsabihan daw siya ng management niya sa ginawa niya pero wala na raw siyang magagawa pa dahil nangyari na ang nangyari.

Kahit daw walang pangalang tinukoy si Joey, obvious naman daw na ‘yung nangyari kay Franco ang tinutukoy nito.

Ngayon ay kalmado na si Paulo at wala na raw siyang galit kay Joey.

“Lalaki lang ako na noong time na ‘yun na nagagalit ako,” he said.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: