^

Pang Movies

Kris sa Iceland babawiin ang pagod sa serye!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kris sa Iceland babawiin ang pagod sa serye!

Kris Bernal

Nag-post si Kris Bernal sa Instagram nang kanyang pag-shopping ng mga winter clothes.

Nasa plano na kasi ng Kapuso actress at bida ng afternoon teleserye na Impostora na regaluhan ang kanyang sarili ng isang bakasyon sa bansang Iceland.

“My reward to myself when I finish #Impostora is trip to Iceland. Shopping for new winter clothes and gear to keep me toasty!” caption pa ni Kris sa IG post niya.

Naging tradisyon na ni Kris na tuwing may matatapos siyang teleserye ay nagbabakasyon ito sa hindi pa niya nararating na bansa.

Reward daw niya iyon sa kanyang sarili dahil sa magdamagang taping. Pinakamahirap daw sa mga nagawa niya ang Impostora dahil dual role ito at ilang oras ang nagugugol para makunan ang eksena kung saan nagtatalo ang ginagampanan niyang sina Rosette at Nimfa.

Kaya naman deserve ni Kris ang magbakasyon grande kapag natapos na ang Impostora dahil doble-doble ang pagod niya sa pag-arte sa naturang teleserye.

Jowapao nag-iba ang amoy sa ginawang movie

Ang matinding fight scenes with the zombies daw ang pinakamahirap na eksena na ginawa nina Paolo Ballesteros, Wally Bayola at Jose Manalo sa pelikulang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies.

“Medyo maraming mahihirap na eksena.

“Nandoon ‘yung may mga takbuhan at habang tumatakbo ka, nakatali ka,” sey ni Wally na gumaganap bilang si Lola Nidora.

“Mahirap ‘yung mga fight scene na ginawa namin saka ‘yung mga drama namin.

“May drama ito kahit na isang action-comedy ito. Hindi ka lang tatawa, tutulo pa ang luha ninyo,” diin naman ni Jose na gumaganap bilang Lola Tinidora.

Pero kahit daw pawisan at lapot na sila sa mga fight scenes sa mga zombies, hindi pa rin daw dapat nawala ang poise nila at ang ganda ng makeup at gayak nila.

“Siyempre kailangan i-maintain pa namin ‘yung mga beauty namin bilang mga lola.

“Kita n’yo naman, kahit na pawisan kami sa terno naming mga damit at wig, confidence pa rin ang umiiral kesehodang magkakaiba na ang amoy naming pagkatapos ng shooting!” tawa pa ni Paolo na gumaganap bilang Lola Tidora.

Kasama rin sa Trip Ubusan sina Ryzza Mae Dizon, Caprice Cayetano, Angelika dela Cruz, Arthur Solinap, Lovely Abella, Taki Saito, Kenneth Medrano, Shaira Mae dela Cruz at Miggy Tolentino.

Singer na si David Cassidy kailangan ng liver transplant

Kasalukuyang nasa ospital ang dating star ng The Partridge Family at singer na si David Cassidy.

Isinugod ang 67-year old singer pagkatapos nitong maging unconscious dahil sa multiple organ failure.

Ayon sa spokeswoman ng hospital sa Fort Lauderdale kung saan naka-admit si Cassidy, in severe pain daw ang singer.

Kailangan daw ng liver transplant ni Cassidy bukod sa kidney failure nito. May sakit din na dementia si Cassidy.

Nasa tabi ni Cassidy ang kanyang pamilya na nagdarasal na malagpasan nito ang kanyang mga sakit.

Nakilala si Cassidy bilang si Keith Partridge sa TV sitcom na The Partridge Family noong ‘70s.

Naging isang pop idol si Cassidy dahil sa show na iyon at nagkaroon ito ng successful solo career.

Nabalitaan na lang na may problema sa alcohol si Cassidy at noong 2015, he filed for bankruptcy.

Between 2010 and 2014, naaresto si Cassidy ng tatlong beses for drunken driving at ipinasok siya sa rehab noong 2014.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with