^

Pang Movies

Alden sa Pasko na makakapagpahinga

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tutok na naman sa sunud-sunod na work si Pambansang Bae Alden Richards.  Last Friday, masaya siya na naka-attend na siya ng GMA Artist Center Grand Fans Day.  Nakiisa sila ni Glaiza de Castro kasama ang mga new artists and discoveries ng Kapuso Network at ang bagong lipat na si Jason Abalos na nagpasaya sa fans sa jam-packed na Music Museum.

Kahapon ay tinapos na ni Alden ang paggi-guest niya sa last episode ng Magpakailanman titled Kuwentong Marawi sa Mata ng Isang Sundalo na ginampanan niya ang role ng itinuring nang  isang bayani, si PFC Jomilie Pavia.  Kung last week ay sa Baguio sila nag-taping, sa isang bayan naman sa Laguna ginawa ang last taping day nila kahapon.

Sa Saturday, November 25 na mapapanood ang finale episode ng 5th anniversary presentation ng drama antho­logy hosted by Ms. Mel Tiangco.

May mga guestings pa rin si Alden sa ibang GMA shows at isa na rito ang paggi-guest nila ni Maine Mendoza sa GMA Christmas Special. Soon ay magsisimula na rin sila ni Maine ng shooting ng next movie na muling ididirek ni Mike Tuviera.  Sa Christmas na raw lamang siya magpapahinga, kasama ang buo niyang family. Nakabalik na rin kasi mula sa San Francisco ang Lola Linda niya na dinalaw ang older brother niyang si RD na naka-base na roon.

Sunshine sunud-sunod ang award

Congratulations to Sunshine Dizon. Pagkatapos na manalo ng Best Actor award si Gabby Concepcion sa Seoul International Drama Award, sa Seoul, Korea last September, ngayon ay si Sunshine Dizon naman ang tumanggap ng award as Most Outstanding Filipino Actress mula sa Gawad America na ginanap sa Celebrity Centre International sa Los Angeles, California noong Saturday, November 18.  Personal na dumalo si Sunshine sa awards night para tanggapin ang award.

Parehong ginawaran ng award sina Gabby at Sunshine dahil sa mahusay nilang pagganap sa top-rating afternoon prime drama series nila sa GMA Network, ang Ika-6 Na Utos.

Sa December 5, isang taon nang umeere ang serye na nagsimula lamang sa one season, pero sa patuloy na pagtaas ng rating nito, itinuloy nila ang araw-araw na showing hanggang sa Sabado, pagkatapos pa rin ng Eat Bulaga. Naka-schedule ang show hanggang February, 2018.

Gabbi napag-initan ng maka-Maine

Si Gabbi Garcia raw naman ang biktima ng bashings sa social media ng fans dahil nakita raw sa isang video na inisnab niya si Maine Mendoza nang mag-curtain call sa Bench Under The Stars at si Julia Barretto, her best friend, na katabi ni Maine lamang ang niyakap nito.

Kaya naman si Maine na mismo ang nag-tweet ng “Hi guys, please do not bash Gabbi.  Clearly, hindi lang niya napansin kaya sana wag na gawan ng issue.  She is actually a nice person! Ang totoo niyan, siya pa nga yung palaging lumalapit at bumabati sa akin.”  Magkakilala naman sina Maine at Gabbi dahil nagkikita sila kapag naggi-guest si Maine sa Sunday Pinasaya.

Isa pa, magkasama na raw sina Maine at Gabbi sa dressing room na in-assign ng Bench sa SMX Convention Center, kasama ang iba pang Kapuso stars kaya tiyak na nagkausap na sila bago ang fashion show.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with