^

Pang Movies

Pagkatapos maging babae, BB nag-iilusyong sumikat sa Hollywood!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi nawawala ang hope ni Rustom Padilla aka BB Gandanghari na magkakaroon ito ng Hollywood career kaya masipag siya na pumunta sa mga audition.

Ang unang ginawa ni BB, nag­hanap siya ng talent management agency na tutulong na matupad ang Hollywood dream niya.

Nakahanap naman siya, ang The Brogan Agency. Kapag nagkaroon si BB ng Hollywood project, isa lamang siya sa mga Filipino transgender na mabibigyan ng break dahil naunahan na siya ni Donita Ganzon aka Donita Ganzon Gold.

Hindi lang tayo sure kung magiging sikat na Hollywood star si BB dahil ganito rin ang pangarap ni Donita pero hindi natupad.

US-based na si BB Gandanghari at US citizen din si Donita Gold pero umuwi rin ito ng Pilipinas para subukan ang kapalaran niya sa local showbiz pero nabigo siya.

Magkaiba ang kuwento nina BB at Donita dahil dating sikat na aktor si Rustom sa Pilipinas bago siya nag-decide na ipakilala sa buong mundo ang tunay na pagkatao.

Nanindigan si BB na transgender woman ito, hindi gay dahil wala raw siyang karelasyon na mhin nang iladlad niya sa publiko ang katotohanan.

I-wish natin ng good luck si BB dahil kapag naka-penetrate siya sa Hollywood, karangalan na rin ito ng Pilipinas.

Ganap na nga palang babae si Rustom matapos payagan ng Los Angeles Court ang petition niya ng pagpapalit ng name and gender.

“This is it! And I thought this day would never come,” sabi ni BB.

‘Song Joong Ki gusto kong sugurin sa HK’

Na-excite naman ako sa news na confirmed na host ng 2017 Mnet Asian Music Award na magaganap sa Hong Kong ang favorite Korean actor ko na si Song Joong Ki.

Parang type ko tuloy na pumunta sa Hong Kong sa December 1 para makita ko nang personal si Song Joong Ki na ipinagkait sa akin ng tadhana nang dumalo ako sa Busan International Film Festival sa South Korea noong September 2017.

Ito ang news na nabasa ko, gumising sa diwa ko at nagpakilig sa akin.

“On November 20, it was confirmed that Song Joong Ki and Park Bo Gum will be attending as hosts.

“Although it was previously reported that Song Joong Ki will be attending the Hong Kong ceremony, it has now been confirmed that he will be hosting. Park Bo Gum will be hosting the Japan ceremony.

“2017 MAMA will be held in Vietnam on November 25, in Japan on November 29, and in Hong Kong on December 1.”

Rachel Peters hinulaang mananalo!

In all fairness, kasama ang pangalan ni Miss Universe Philippines Rachel Peters sa mga paborito na manalo sa Miss Universe 2017 na idaraos sa November 26 sa Las Vegas, Nevada.

Reliable ang source ng balita dahil mula ito sa Fox News. Ito ang report na inilabas ng US television network.

“At the top of the board is Miss South Africa Demi-Leigh Nel-Peters at +250, followed closely by Miss Thailand Maria Poonlertlarp at +300, according to sister site Covers.com.

“Miss South Africa won her title under controversy, after fellow contestants stated that she had a “special relationship” with two judges and received preferential treatment during the national competition. While she is the betting favorite, it’s always nice to have a bad guy to root against.

“Behind those frontrunners are Miss Philippines at +600, Miss Columbia at +800, and Miss Venezuela and Miss USA, both at +1,100 odds.”

Para makatiyak na magiging finalist si Rachel, vote pa more sa online voting ng Miss Universe ang dapat gawin ng mga Pilipino na mahilig sa mga beauty contest.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with